"Love, sino si Trisha?"
Natuod ako sa kinauupuan ko sa tanong ni Aidan. Hindi ko alam anong sasabihin ko sa kanya. I tried to think of the right words to say it yet I can't think of one. I know sobrang mali ng ginawa ko, sobrang mali na tinago ko kay Aidan when he was honest with me the whole time.
"She's... She's my friend" I stutter.
She was your ex Aidan, ang babaeng mahal ko na sinaktan mo, ang babaeng dahilan kung bakit nagkakilala tayo; I wanted to say. Nanginginig ang kamay ko.
He looked at me suspiciously at kumunot ang noo nito. "Really? Bakit hindi ko kilala?" tanong pa nito.
I felt the weight of the stare nina Lester, Reign, Prince, Trevor, Hannah, Ella at maging si Aidan sa akin, as if they really want to know kung sino si Trish sa buhay ko at bakit ang saya pa ni Ella nang ininform niya ako na bumalik na si Trish. Never ko pang nabanggit sa kanila si Trish.
I was about to speak nang sumabat si Ella at siya ang sumagot sa tanong ni Aidan kaya napatingin silang lahat sa kanya "I think she was Zia's best friend, sobrang close nila noon palagi silang magkasama eh but she went away, right Z?"
Nabaling naman ang tingin nila sa akin, pinagpapawisan na ang mga kamay ko sa kaba. Hindi ko na nga din pinapansin ang telopono kong kanina pa nagv-vibrate.
Pinilit kong ngumiti at tumango. "Yes," sagot ko, napalunok pa ako "noon.." I added.
Kinakain na ako ng konsensya ko. I just want to tell it to Aidan, I need to be honest with him because if I won't be, I'll lose him at ayokong mawala si Aidan sa akin. Napatango naman sila at bumalik na din sa pagkwekwentuhan.
Huminga akong malalim upang humugot ng lakas at ng courage para sabihin na kay Aidan.
"Love" tawag ko sa kanya. Nilingon naman ako nito na ngumunguya pa sa kinakain niyang chichirya. "Can we ta-"
Naputol ako sa pagsasalita nang may magsalita mula sa stage sa quadrangle gamit ang micropono na nakakuha ng atensyon ng lahat.
BINABASA MO ANG
The Perfect Revenge
ChickLit#BaezSeries4 Isa lang ang motibo ni Zia Delos Santos kay Aidan Jose Baez at iyon ay paibigin at saktan ito dahil sinaktan nito ang best friend niya pero paano kung ganun din ang gusto ni Aidan kay Zia? This is a story that started with a revenge and...
