1 - "Always"

12K 389 27
                                    

For Kathryn and Daniel


Hya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hya

May hawak akong Marlboro Lights at lighter. Bitbit ko ang bag ko tiyaka ang binder ko. Pumwesto ako sa dati kong tambayan sa likod ng St. Francis Building para manigarilyo.

Ang sarap lang ng hangin dito presko, may puno kasi eh kaya hindi mainit. Tago pa. Feel na feel ko ang paghithit ko ng sigarilyo ng biglang kumuha nun sa bibig ko.

"Ay anak ng pu--!" sigaw ko sa kamay na umagaw ng sigarilyo ko at tinapon niya saka tinapaktapakan.

Siya na naman? Ano bang problema nito?

"Padilla ano ba?!" sigaw ko sa lalakeng wala ng ibang ginawa kundi makialam.

Pero siya lang din ang kakilala ko simula ng lumipat ako ng school. Pero hindi ko siya kaibigan.No.

Wala akong kaibigan. Hindi ko kailangan nun. Sanay akong magisa. Kaya kong magisa. Iiwan din naman nila ako,kaya mabuti pang hindi na umasa.


"Hindi ka na naman papasok sa last subject. Napakabulakbol mo talaga." pangangaral niya sa akin.

"Greg ba ang pangalan mo?" tanong ko sa pakialalemero kong kaklase.

Kumunot ang noo niya sa akin na para akong alien sa mga pinagsasabi ko.

"Hya, isang taon na tayong magkaklase, di mo pa alam pangalan ko? Tyaka kakatawag mo lang sa akin ng Padilla kanina ah. Aric Padilla. Aric John Padilla. Yan ang pangalan ko. Sinong Greg na naman sinasabi mo." di na naalis ang kunot sa noo niya.

"Eh kasi napakapakialemero mo daig mo pa Tatay ko. Greg pangalan ng tatay ko." tinarayan ko si Aric.

Mas tinaasan ko siya ng kilay nang makita ko na binibitbit na niya ang bag at binder ko.

Kala siguro ng isang ito porket teacher ang nanay niya dito eh matatakot ako sa kanya.

"Di bale ng pakialalemero ako gaya ng tatay mo, ganun nga lang talaga siguro.." natigilan siya at tinalikuran ako. Naglalakad na siya papunta sa classroom.

Wala na rin akong nagawa kundi sumunod sa kanya dahil dala niya ang bag ko.

"Ganun siguro ang alin?!Ganun pag bored ka at ako ang trip mong pagaksayahan--"

"Ganun ang mga taong nagmamalasakit sayo,nakikialam, nagiging pakialalemero gaya ko at gaya ng Tatay mo!" sigaw niya sa mukha ko.

"Nagmamalasakit?May amnesia ba ako at hindi ko maalala na jowa ko  to?Lakas ng trip." sabi ko sa isip ko habang hindi mawala ang pagkabusangot ng mukha niya.

Remember Me This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon