Hya
I held the powdered blue dress near my chest tightly as I heard voices outside the cubicle I was in.
Boses ni Mrs. Luisa Padilla, teacher ko at nanay ni Aric. May kausap siya na sa pandinig ko ay si Ma'am Valdez,isa rin sa mga faculty at nagtuturo sa lower years.
Hindi naman ako nailang na nanay siya ni Aric eh. Nanay ng lalakeng gusto ko. Kahit na ba lagi niya akong sinisita sa klase, laging napapagalitan at napagiinitan. Di ko siya pinansin. She is still his mom at teacher namin siya. Nirerespeto ko naman siya.
Until I heard her say few things that I didn't saw coming.
"Nako Luisa, I heard your son...si Hyacinth daw ang date mamaya. Yan ang usap usapan sa mga estudyante kong juniors." sabi ni Ma'am Valdez.
Narinig kong ibinaba ni Ma'am Luisa ang kanyang bag sa may lababo ng padabog.
"I heard... sinabihan ko na si Aric pero napaka tigas ng ulo. Total prom lang naman, ayaw ko ng pakialaman. Besides... I know Aric... challenged lang siya... she finds that girl a target, pag makuha na niya... wala na." sabi pa ni Mrs. Padilla. Hindi ko namamalayan nangingilid na pala luha ko.
I tried to breathe, I tried not to get it inside my head.
"Raising a son, malalaman mo how they play with women. Aric is just a boy with certain needs, that's part of growing up... gusto niya si Hya dahil crush ng bayan." sabi pa ng nanay ni Aric.
Gusto ko na sana lumabas at sumabat sa kanila pero napako ako sa kinatatayuan ko.
"Well, I heard...hindi na raw virgin ang batang yon." pagiintriga ni Mrs. Valdez.
What the actual fuck are they even bringing up my virginity as a subject of their gossip. Mga naturingang magulang sa pangalawang tahanan pero pinagchichismisan ang mga estudyante nila. Shame on them.
Wala talaga sa pinag aralan o propesyon ang pagkakaroon ng values. Yan ang hindi natuturo sa kahit saan. Kung talagang chismosa ka at mahilig ka makialam ng buhay ng may buhay, teacher ka man talagang ganoon ka. And I don't give my respect to these kind of people.
"May scandal kaya siya..." gatong pa ni Mrs. Valdez.
Mukhang hindi na nakapagsalita si Mrs. Padilla dahil hindi na niya ito narinig mag salita.
"Kaya kung ako sayo...nako Luisa sabihan mo yang si Aric baka mamaya kung kani kanino na pala pumatol yan at may sakit na. Oh my God, in Jesus name...mga kabataan ngayon."
Thou shall not put the name of the Lord in vain. Nasa ten commandments yan Ma'am hindi niyo ba alam? Ginagamit pa niya ang pangalan ng Dyos sa ginagawa niyang kasalanan. Linis linisan.
"So hindi mo alam ang latest na chismis sa batang yan,may scandal nga yan kasama ang isang college student. Baka nga masuspend or better na ma expelled siya eh... kaya kung ako sayo...tell Aric--"
"Aric will not be associated with such a low person,sa isang pokpok...I won't let it happen. Hindi niya madadala sa basura ang anak ko. He knows better. Sigurado ako ngayon pa lang nandidiri na sa kanya yon." yun ang huli niyang sinabi bago ko narinig na lumabas na sila ng banyo.
Saka ko pinakawala ang luha kong kanina ba gustong bumuhos.
I was angry and confused. Ako ba talaga ang pinaguusapan nila kanina? Anong scandal? Anong hindi na virgin? I felt harassed. Wala akong ginagawang masama,at lalong lalo na wala akong ginagawang scandal.
Matigas ang ulo ko pero hindi ako pakawala. At sinabi niyang nandidiri na si Aric sa akin ngayon? Bakit doon ako higit na mas nasasaktan?
Hindi ko alam kung bakit habang umiiyak ako dinadial ko ang phone number niya. Gusto ko sabihin sa kanya na huwag siyang maniwala kung ano man yun dahil hindi yon totoo.
It was the only thing that mattered to me, ang makausap siya para mag paliwanag at malaman na ako ang papaniwalaan niya. I didn't know, pero somehow I needed him to believe in me. Siya lang. Magiging okay na ako.
His phone kept on ringing but he won't pick up. I was going hysterical inside that small cubicle slowly eating up my insides.
At the fifth try of contacting him, binaba ko na ang cellphone ko. He must have seen it, and believed it was me. Like the others.
I felt my legs shake, nanghina ako. Not because of the skipped lunch but because I felt like I lost him. I lost him over senseless gossip. I lost him or he lost me. Either way.
Now, I'm alone again.
"Wala kang kakampi Hya,kundi sarili mo." I heard my self say. Pinahid ko ang luha ko at lumabas.
Few days ago,the weather for me is a bright sunny day. There were tiny flowers that was about to bloom. It felt like spring after winter. But now I'm back with dark clouds and I don't have any where to shelter from the storm.
Lumabas ako ng restroom,dumaan sa may hallway at bumaba ng building. I could sense others whispering to each other while watching something on their phones. I didn't care. Wala akong dapat ipaliwanag. That's not me.
Dire-diretso ako papunta sa likod ng cafeteria at umuwi.
"I was lost...in space...without you."
BINABASA MO ANG
Remember Me This Way
Fanfic"What I'd give to make you remember..." The journey of loving even in the hardest and complicated times. The struggle to stay when the memories are no longer even there. The story of Aric and Hya, two hearts with one memory. "If this will be the la...