Deleted Scene - 3

5.9K 252 9
                                    

Aric

Nagpasya akong pumasok na sa loob ng hall para makapag set up na kame ng instruments.

"Teka lang Brent, mag cr lang ako." paalam ko sa mga kabanda ko.

Mabilis akong nakapag banyo at pansamantalang inalis muna si Hya sa isip ko. Until I heard someone mention her name.

Paliko na ako sa may hallway malapit sa entrance ng marinig ko ang boses ni Jude na isang frat boy. "Damn, I want to take Hya in this position too." his exact words were.

Putangina, pati si Hya dinadamay sa kamanyakan niya kaka nood ng mga porn. Bakit hindi si Kelsey na girlfriend niya ang pagpantasyahan niya.

Uminit agad ang ulo pagkadaan ko sa kanila "Bakit hindi yung girlfriend mo ang pagpantasyahan mo diyan sa pinapanood mo Jude?"

Like the jerk that he is umalma siya at tinulak ako ng bahagya. "Patay na patay ka nga pala kay Hya ano Aric? Huwag kang ipokrito alam kong gusto mo din siyang ikama at ganituhin." pang asar niya sa akin, nag demo pa siya sa harap ko na parang bumabayo.

Tawa siya ng tawa habang paiksi ng paiksi ang aking pisi. I balled my fists and was aching to throw a punch on his laughing demonic face. Pag ito sinuntok ko, malaking gulo. Sigurado ako masisira ang prom. Pigil na pigil ang aking damdamin napapatingin na lang ako sa kisame habang naririnig ko ang halinghing ng isang babae na pinagkakaguluhan nila sa cellphone na hawak ni Jude.

Lumakad siya papunta sa akin at unti unting nawala ang tawa sa kanyang mukha.

"Pero pumila ka, mahaba haba ang pila." saka niya pinanood sa akin ang pinapanood niya, narinig kong ungol ng isang lalake na kasama ng babae sa video na pinapanood nilang scandal. Tinatawag ng lalake ang pangalan na babaeng nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Kitang kita ang mukha ng lalake pero ang babaeng nakaibabaw sa kanya ay buong katawan at hanggang bandang labi lang lang ang kita. Umiwas ako ng tingin sa paguulit ng pangalan ni Hya. Napapapikit at nag ngingitngit sa galit.

"It's not her. Kapangalan lang niya. Kahubog ng katawan. Pero hindi si Hya yan." I told my self with confidence. I know every curve her lips form whenever she opens them to say something, when she pouts it whenever she's annoyed or bored, the way it moves when she puffs a cigar. I studied the movements of Hya's lips and memorized the details it has that's how I knew it wasn't her. The girl in that lousy video didn't have a mole on her upper lip. It's my favorite detail, I wouldn't miss it.

"Hindi si Hya yan. Take her off your dirty mind." hinawi ko ang kamay niyang hawak ang cellphone niya sa harap ng mukha ko.

I was already walking past him but what he said next made my control vanish totally under my breath.

"Pag tapos ko na siyang tikman, I'll let you know kung siya nga--" my hard fist landed on his ugly face without a warning. Natumba siya. Pero agad na nakatayo at nasuntok din ako sa mukha.

"Gago ka ah,ano feeling mo boyfriend ka ha?!.." his mouth is bleeding.

Sinipa ko siya sa tiyan at bumulagta siya sa may mesa, nagkagulo na. Nakita kong pinagtulungan na ako ng mga kasamahan niyang nakikinood kanina. Nahawakan ako sa magkabilang braso saka ako nasuntok ng dalawang beses pa ulit. Nalalasahan ko na rin ang dugo sa bibig ko at parang pumutok ang bandang kilay. Pumiglas ako naabutan ko pa siya uli ng isang suntok bago ko siya nakwelyohan.

"Yung girlfriend mo ang pagnasaan mong hayop ka, bastusin mo pa ulit si Hya hindi kita uurungan!" halos duraan ko ang mukha niya.

Nagdidilim ang paningin ko sa kanya at nanginginig ako sa galit ko. Tinaas ko uli ang kamay para suntukin siya ng dumating ang mga kabanda ko. Pati na rin si Mama. At si Mr. Francisco, ang principal.

Remember Me This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon