Aric
It was Wednesday and ngayon na malalaman ang resulta ng deliberation sa kaso ni Hya. Kung ma eexpel nga siya, damay pati ang commencement niya hindi siya makakasama sa amin gragraduate. Ilang araw na lang ang natira nun. At ang makita siyang balisa ay dobleng paghihirap para sa akin.
Sinamahan ko siya sa labas ng Principal's office kasama ni Aunty Gina. Wala naman kasing ibang pupunta para sa kanya bilang guardian. Nalaman na rin ni Mama na nagkikita kame ni Aunty na mas kinasama niya ng loob. Pero it didn't matter dahil galit pa rin ako sa ginawa niyang pag sumbong sa scandal na kinasasangkutan ni Hya kahit na hindi naman talaga siya yon. Naniniwala akong hindi si Hya yun, kaya masakit sa akin na sarili kong ina ang humusga sa kanya.
The night I went home and I confronted her nasampal niya ako dahil pinagtanggol ko si Hya. "You've changed ever since you met that girl! Pati ako sinasagot sagot mo na!" I decided to keep quiet and let my respect for her as my mother stay. Kahit na ano pa ang mangyari siya pa rin ang nanay ko.
"What are you doing here Gina? Did Aric called you?" minamata kame ni Mama na tahimik na nakaupo sa labas ng office.
"No Luisa. I'm this young lady's guardian. She stays in my dorm. Wala na siyang..." napatigil saglit si Aunty Gina at humina ang boses "...wala na siyang magulang to stay by her side."
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Hya na hindi tumitingin sa nanay ko na tila walang guilt na nararamdaman sa pag susumbong niya kay Hya. For a moment parang hindi ko siya kilala.
"Aric, tumayo ka na diyan at umuwi na tayo. Last day ng finals bukas. You have to study." utos niya sa akin.
"Tapos na po ako mag review Ma. Sasamahan ko lang si Hy--"
"Napakatigas na ng ulo mo! Hindi ka na sumusunod sa akin! Tumayo ka na riyan." pero nagmatigas ako at sinabi kong hindi ako aalis sa tabi ni Hya.
"Maybe you should go." she whispered "Andito naman si Tita eh. I'll call you pag natapos na kame." tumingin ako sa kanya pero hindi. It hurts my heart to see her in this situation na hindi naman talaga dapat. Wala siyang kasalanan. And I can see how much she's trying to be better. Baka kung ang dating Hya pa ito baka nakipagawayyna to sa Mama ko. She's feisty, wala tong sinasanto. I'd like to think na ako ang dahilan sa pagbabago na ito.
The more that I want to be beside her. Sa huli wala rin nagawa si Mama. If she wanted me to leave Hya, she has to by all means to drag me out of there. Pero knowing her, importantante sa kanya ang image and she wouldn't want to risk it to cause a scene inside the school premises.
Mag alas 5 na pero nasa loob pa din sila Hya at si Aunty Gina. Isang oras at kalahati na silang nasa loob. Gusto ko sanang pumasok kaso bawal ang hindi naman involved at isang guardian lang ang pwede pumasok.
Tumingin ako sa malaking relo sa may hallway 5:25 na at biglang bumukas ang pinto. Unang lumabas Si Aunty Gina kasunod niya si Hya na hindi ko malaman ang ekspresyon ng mukha. Nagkahulihan kame ng tingin at agad siyang tumakbo sa akin at niyakap ako ng mahigpit na umiiyak.
Tumingin ako kay Aunty Gina na tumatango tango lang sa akin. Hindi ko malaman kung good news ba o ano.
"Love...what is it? Ssshhhhh..." I tried to make her stop from crying. Pero halos mapunit ang uniform ko sa pagkahigpit ng hawak niya sa likuran ko.
Ano ang gagawin ko kung sakaling expelled nga siya? Hindi ko yata alam anong gagawin ko at kung ano ang pwede kong maramdaman sa Mama ko. Naluluha na rin ako.
"Makaka graduate ako Love....I won't be kicked out anymore..." patuloy pa rin siya sa pagiyak.
Para akong nabunutan ng tinik sa narinig ko mula sa kanya. Hiniwalay ko ng kaunti si Hya sa akin para tignan siya punong puno ng luha nag mata niya, gulo gulo na ang buhok niya na may suot na head band pero nakangiti siya. Nakangiting lumuluha.
BINABASA MO ANG
Remember Me This Way
Fanfiction"What I'd give to make you remember..." The journey of loving even in the hardest and complicated times. The struggle to stay when the memories are no longer even there. The story of Aric and Hya, two hearts with one memory. "If this will be the la...