Prologue

20.8K 423 33
                                    

Hya

Pag dilat ko ng mata, nakikita ko siya. Nakangiti sa akin at tinatanong "Gutom ka na ba? May champorado, yung favorite mo."

Favorite ko pala yung champorado? Ano ba yung champorado? Parang alam ko na hindi. Parang natatandaan ko na hindi.

Gusto ko siyang tawagin pero hindi ko alam ang pangalan niya. Nasa dulo ng dila ko, sinisigaw na ng alaala ko pero di ko marinig.

Binubuka ko na ang bibig ko para sabihin ang pangalan niya pero walang lumalabas.

"Love, tayo ka na. Kain na tayo." sabi ng lalake sa akin.

"Love ba ang pangalan ko?" tanong ko naman.

He chuckled. Gusto ko yung tawa niya. Yung ngiti niya ang sarap titigan. May dimples siya na lumalabas pag tumatawa siya.

"Hindi..." sabi niya habang tinutulugan niya akong bumangon sa pagkahiga.

"Hya ang pangalan mo. Tinatawag kitang Love kasi ikaw ang mahal ko at Love din tawag mo sa akin kasi mahal mo rin ako." he explained slowly. Para bang araw araw niya itong ginagawa. Ang araw araw na ipaalala sa akin kung sino ako at sino siya.

Nauna siyang tumayo sa akin at inayos ang mesa kung saan may kape at champorado.

"Love..." tawag ko sa kanya.

Natigilan siya sa ginagawa niya at lumapit agad sa akin. Napatingin siya sa akin ng naiiyak. Pero huminga siya ng malalim at napigilan ang pag tulo nito.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan "Yes Love?" at ngumiti sa akin. Gustong gusto ko talaga ang ngiti niya.

"Hindi kita maalala pero masaya ako na nakikita ka.." sabi ko na lang. Hindi ko alam bakit yun agad ang sinabi ko pero okay lang dahil totoo naman. Yung utak ko parang memory card na may virus. Hindi nagreread.

Hindi utak ko ang nakakaalala sa kanya kundi yung bilis ng tibok ng puso ko nang makita siya.

"Hi Hya...I'm Aric John Padilla at mahal na mahal kita." sabi niya at dinala uli sa labi niya ang mga kamay ko at hinalikan ito.

~

"What I'd give to make you remember.."

The journey of loving even in the hardest and complicated times.

The struggle to stay even when the memories are no longer even there.

The story of Aric and Hya, two hearts with one memory.

"If this will be the last, I want you to remember...Remember Me This Way."















A/N

Hya and Aric is finally here. Their story have been bothering my mind for months and they demand to be told. Kaya eto na sila.

Pero I'll start with #RMTW pag last two chapters na ng HLWILY. (bago mag March or sa March, so more or less may 10 - 15 chapters pa bago matapos yon) :))

I hope you enjoy this as much as you did with How Long Will I Love You.

With the story itself, this will be short. Siguro 20 chapters max. It's short because I only have one major conflict with this one. Doon lang talaga tatakbo ang story. Hehehe. Thank you!😘

Remember Me This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon