Hya
"Love sama ka mamaya ha, may practice kame kina Brent..." Aric said as we were eating our lunch. Last day na school. Naka civilian na nga kame kasi nag clearance na kame. Sa Monday Graduation Day na.
Lagi ko silang naririnig na mag practice doon sa building kung saan ako tumatambay madalas pero I never witnessed him play his bass in front of me.
"Nako Hya...in love ka na kay Aric ngayon, mas maiinlove ka pa pag napanood mo siyang tumugtog. Iba skills ng kamay nito.." sabi pa ni Kris tinataas baba pa ang kilay niya sa akin.
Winisikan siya ni Aric ng ketchup sa mukha dahil sa pangaasar niya kaya nag tawanan silang magbabarkada.
The last few days after ng finals lagi ko na silang kasama. Wala naman kasi akong close na iba kaya pag kasama ko si Aric nakakasama ko na rin sila. Masaya pala silang maging barkada, ang kukulit nilang apat. Lalo na si Kris. Lagi kameng humahagalpak ng tawa sa mga banat niya. Mukha pa lang kasi ni Kris comedy na.
Sumama nga ako sa practice nila as requested by Aric. Malaki ang bahay nila Brent. Nalaman ko na kanila pala yung mga grocery chains dito sa city. Humble lang siya kaya di masyadong halata sa kanya na mayaman sila.
Beside their garage, may isang room doon kung saan sila nag papractice ng mga kanta nila. The room was complete with instruments at sound proof din ito.
🎶Adik Sa'yo
Awit sa akin
Tilang sawa na saking
Mga kuwentong marathon🎶Nagsimula silang kumanta at ako ang audience nila. Aric was singing with so much emotions as he looked at me. Nakakatunaw siyang tumingin habang kinakanta ang hit ng Rivermaya.
🎶Tungkol sa 'yo
At sa ligayang
Iyong hatid, sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw!🎶Kinindatan pa niya ako sa dulo. Kaya pala gustong manood ako kasi gusto akong pakitaan ng ganito. Sinagot ko na lang siya ng matamis na ngiti, hindi ko rin inaalis ang tingin ko sa kanya.
🎶Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita🎶Ang galing din tumugtog ng banda nila, they play like professionals. Malaki ang potential nila pag sasali sila sa mga contest or if they get luckier madiscover pa sila.
After few songs, nag break sila para mag merienda na rin. We ate together. Masarap yung dalang merienda ni Manang eh.
"Uy Brent, pwede bang maki CR? I asked Brent.
"Yeah, akyat ka lang diyan sa may spiral na staircase papunta yan sa kitchen tapos sa may right andon ang bathroom." he told me.
"Tara Love, samahan na kita." Aric said.
"No, hindi na. Dito ka na...tyaka mag start na ulit kayo eh. I'll be fine. Hindi naman siguro ako mawawala.." I said, madali naman ako makatanda ng directions eh.
Hindi na siya nagpumilit pa dahil abala din naman siya sa pag kalikot ng bass niya.
Sinunod ko yung instruction ni Brent papunta sa CR nila.
Nahanap ko agad yung banyo to pee.
Bigla akong na LSS sa kanta na narinig kong tinugtog minsan ni Aric. May sinusulat kasi siyang kanta pero di pa buo, I even helped him with some of the words. Ginaya ko yung tono niya sa lyrics na sinuggest ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Remember Me This Way
Fanfiction"What I'd give to make you remember..." The journey of loving even in the hardest and complicated times. The struggle to stay when the memories are no longer even there. The story of Aric and Hya, two hearts with one memory. "If this will be the la...