Memory
The device in my lap continued to move, it was unstable in a moving car but I continued to type my thoughts away. "Kailangan masulat ko ito, kundi mawawala na naman to."
"Mory, kaya mo yan." I tried my hardest na hindi maduling sa mga salita habang tinatype ko ang bawat letra sa libro na binubuo ko.
We've been stuck in a jam for almost an hour and the car is barely moving. Instead na mainis ako, I grabbed that opportunity to complete my project.
Typing...typing...typing...
Pag dilat niya ng mata, nakikita niya ang isang lalake. Nakangiti sa kanya at tinanong siya "Gutom ka na ba? May champorado, yung favorite mo."
Favorite niya pala yung champorado?Tanong niya sa kanyang isip. Ano ba yung champorado? Parang alam niya na hindi. Parang natatandaan niya na hindi.
Gusto niyang tawagin ang lalake sa pangalan pero hindi niya maalala kung ano. Nasa dulo ng dila niya, sinisigaw na ng alaala niya pero di niya marinig.
Binubuka na niya ang kanyang bibig para sabihin ang pangalan niya pero walang lumalabas.
"Love, tayo ka na. Kain na tayo." sabi ng lalake sa kanya.
"Love ba ang pangalan ko?" tanong niya naman sa malambing na tono.
He chuckled. Gusto niya yung tawa ng lalake. Yung ngiti niya ang sarap titigan. May dimples siya na lumalabas tuwing tumatawa siya o nagsasalita siya.
"Hindi..." sabi niya habang tinutulugan niya itong bumangon sa pagkahiga.
"Hya ang pangalan mo. Tinatawag kitang Love kasi ikaw ang mahal ko at Love din tawag mo sa akin kasi mahal mo rin ako." he explained slowly. Para bang araw araw niya itong ginagawa. Ang araw araw na ipaalala sa kanya kung sino siya at siya ay sino.
Nauna siyang tumayo sa kanya at inayos ang mesa kung saan may kape at champorado.
"Love..." biglang niya itong tinawag, muntikan ng madapa ang lalake sa paglapit sa kanya. Ang lapad ng ngiti niya dahil minsan na lamang niya marinig na tinatawag siya sa ganung pangalan.
Natigilan siya sa ginagawa niya at lumapit agad kay Hya. Napatingin siya sa babae ng naiiyak muli. Pero huminga siya ng malalim at napigilan ang pag tulo nito.
Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan "Yes Love?" at ngumiti sa kanya. Gustong gusto ni Hya ang ngiti niya. Magaan at maaliwalas.
"Hindi kita maalala pero masaya ako na nakikita ka.." sabi na lang ni Hya. Hindi niya alam bakit yun agad ang sinabi niya pero okay lang dahil totoo naman. Yung utak niya kasi parang memory card na may virus. Hindi nagreread.
Hindi utak ni Hya ang nakakaalala sa kanya kundi yung bilis ng tibok ng puso niya nang makita siya.
"Hi Hya...I'm Aric John Padilla at mahal na mahal kita." sabi niya at dinala uli sa labi niya ang mga kamay ko at hinalikan ito.
"What I'd give to make you remember.." the guy named Aric who calls her Love said with tears in his eyes.
"Seeing you, feeling you touch me, having your hands and arms hug me...it's like I never have forgotten anything. You exist here...in my heart, where nothing will make you fade away. It's more than I should remember." she smiled at him sincerely. Kahit na parang may malaking espasyo sa utak niya ang nakabara, hindi naging mahirap kay Hya na maalala siya. He feels like every memory that she lost, a yesterday that still exists. A journey she will never be able to forget. It remains imprinted in that part of her thoughts that refuses to wash away no matter what her illness is.
BINABASA MO ANG
Remember Me This Way
Fanfiction"What I'd give to make you remember..." The journey of loving even in the hardest and complicated times. The struggle to stay when the memories are no longer even there. The story of Aric and Hya, two hearts with one memory. "If this will be the la...