Aric
February 14 ang JS prom namin sa school. Excited na ako dahil last JS ko na to. Excited din ako dahil Valentines Day. One day to have an excuse to be extra cheesy.
At nakaplano na ang araw na yon. Plinano ko na para sa amin ni Hya.
Last year,hindi siya nag attend. Wala pa naman akong inaya dahil gusto ko sana siya ang ayain ko. Nasayang lang yung kanta ko nung gabing yon. Di man lang niya narinig.
Si Hya kasi hindi pala socialize. Mas gusto niyang magisa. Madalas ko siyang makita sa likod ng St. Francis Building, favorite niyang tambayan.
Kung hindi siya nagsusulat sa journal niya, andon lang siya naninigarilyo habang may earphones nakikinig sa music.
"I wonder what music she likes." naiisip ko minsan. I asked her once pero hindi niya naman sinagot. Pati ba naman daw yun pinapakialaman ko pa. Interesado lang naman ako.
She always seems to be distant but she's also the type that should be paid close attention to. Kaya kahit ayaw niya, lagi ko siyang nilalapitan, dahil alam kong kailangan niya. Those who needed love the most will ask it in the most unloving way. Yan ang tingin ko sa kanya.
She's just stubborn to admit it.
Maganda si Hya, her face beautiful as an angel, her lips pinkish kahit na madalas siyang mag sigarilyo magaganda pa rin ang mga labi niya. And I usually stare at it pag kinakausap ko siya. Hindi ko alam if she notices it.
Sa totoo lang madaming may gusto sa kanya, pero walang nagtatangkang manligaw dahil agad agad niyang dinudurog ang mga puso at pag asa ng mga ito.
Ako? Hindi ko siya nililigawan. Pero gusto ko siya. Hindi lang yata gusto. Mahal ko na nga yata eh.
Kaya mas nahihirapan akong buksan ang puso niya para sa akin. Dahil ayaw ko siyang sukuan. Dahil gusto ko siyang paghirapan at mahalin ng matagal.
Matagal na matagal. Matagal na matagal na matagal. Habang buhay na matagal.
"Ano to?" mataray niyang tanong sa akin ng iabot ko sa kanya ang isang kulay pink na gift box.
I bought her a pin, hair pin. Isang pin na korteng musical note na punong puno ng bato na kulay blue at white.
"Buksan mo.." sabi ko ng nakangiti sa kanya.
Tinanggal naman niya ang earphones niya saka binuksan ang regalo ko.
I saw her trace her one finger on that pin. My heart swell with joy. Ibig bang sabihin nagustuhan niya? I think I should ask her now.
"Can you be my prom date?" diretso kong tanong.
Hinanda ko na ang sarili ko sakaling "No" ang sagot niya. Ganun kasi dapat eh to avoid disappointments, lower your expectations or better don't expect at all. That's when universe turns around.
"Okay. Magkita tayo sa fountain sa labas ng venue. 7pm." sabi niya. Napanganga ako at natulala. Ginugood time ba ako nito?
"Hya, payag ka na?" I asked her confirming her answer.
"Hindi ko na uulitin Aric...humarap ka na nga doon." sabi niya na parang naiinis pero nahalata ko namumula ang mga pisngi niya.
I bit my lower lip trying to suppress a grin.
"Hya 6 pa lang andon na ako,naghihintay sayo..." sabi ko sa kanya.
She just stared blankly at the space behind me,not looking at me in the eye. Saka tumango.
Nag bell na hudyat na magsisimula na ang klase. Nagsidatingan ang mga classmates namin. Unti unti na rin napupuno ang room. Umiingay na lalo. Pero ang ngiti ko di talaga maalis.
BINABASA MO ANG
Remember Me This Way
Fanfic"What I'd give to make you remember..." The journey of loving even in the hardest and complicated times. The struggle to stay when the memories are no longer even there. The story of Aric and Hya, two hearts with one memory. "If this will be the la...