Deleted Scene - 9

4.1K 203 13
                                    

Hya

It was bright that Monday morning at nasa mood ako para magluto ng breakfast. 

I went to the kitchen, opened the stove and poured an amount of oil in the pan. In-on ko na rin ang coffee maker. I was busy preparing the table when suddenly I felt nauseous. Parang umiikot din ang paligid at para akong matutumba. 

Napaupo ako sa silya and placed my hand on my forehead. I was having cold sweats. Sa isang kamay ko ay may hawak akong sandok. Napakunot ang noo ko "Bakit ako may hawak nito?" wala ako maalalang nagpunta ako sa kusina dahil ang huli kong natatandaan ginising ko si Aric dahil...dahil...dahil. Hindi ko din matandaan.

Sumalampak uli ako sa silya dahil nanlalambot ang tuhod ko. Tinignan ko ang sandok sa kamay ko,ang pintuan ng kwarto na nadidinig ko ang tinig ni Aric na kumakanta sa banyo. What is really happening to me? I feel badly disoriented. 

Hinawakan ko ang ulo ko at pinilit na tandaan kung ano ang nakalimutan pero mas lalo lang ako naguluhan. Sumama ang panlasa ko, at may naamoy ako na hindi maganda. Nasusuka ako, parang may kung ano sa tiyan ko na hindi mapakali. 

Tinakbo ko ang banyo at pinilit kong sumuka. Sumakit lang ang lalamunan ko dahil wala namang lumalabas. I felt my heartbeat doubled in rate, in made me anxious. What the hell is happening to me? I tried to move but my knees became so weak that I literally stayed on the floor. I hugged my self, my knees tightly. I was still trying to think. But nothing comes out clear. 

After sometime, naririnig ko na ang boses ni Aric. He was calling for me but I didn't know why I couldn't respond. Nahihirapan akong huminga, hindi ko magawang tawagin ang pangalan niya. 

I've been a lot like this past few days, hindi ko alam kung napapansin ito ni Aric pero alam kong may mali sa akin. Oftentimes, I feel like I'm not my self. Parang I'm experiencing a crisis. Pero hindi ko alam kung ano. Our careers are doing well and as far as I can remember, me and Aric are the happiest. Ano ba ang hindi maayos sa buhay ko? Why do I feel like there's always something missing? 

Nahihilo pa rin ako at nasusuka, nagsimula na rin sumakit ng ulo ko. I think I should get my self checked. 

I heard the door open and I knew it was Aric standing outside. Narinig ko ang malakas niyang pag buntong hinga at tinawag ang pangalan ko. My lips were trembling and my head is spinning, I couldn't look at him. Lumapit siya sa akin pero hindi ko siya tinignan.

He was saying some words pero parang malabo iyon sa pandinig ko.  I stared blankly at him and I saw how confused his eyes become. Alam kong nagtataka siya, naguguluhan kagaya ko.

"Aric, pwede bang mauna ka na lang sa studio? Naalala ko...." nagmadali akong tumayo at kahit nanginginig ang tuhod ko ay pinilit kong tumayo para di ko siya matignan ng diretso "...naalala ko may importante pala akong pupuntahan muna." 

Alam kong sumunod siya agad sa akin palabas ng banyo. "Mas importante pa kesa sa kanta natin?" mabigat sa pakiramdam ko ang tinig niya.

Huminga ako ng malalim at tumingala para di tumulo ang luha ko saka ko siya hinarap. Sinabi ko sa kanya na darating ako. I had to make our conversation quick because I'm already being emotional. Mas hindi ako makakalusot sa kanya pag nakita na niya akong umiiyak. 

"Sige na, maliligo na ako. Stop over thinking. Magkita na lang tayo doon."  I kissed him quickly and ran inside the bathroom and my tears just fell freely. Umiiyak ako sa di ko malamang dahilan. Ang alam ko lang I need to keep this from Aric until I'm sure what this is. 

Papunta na ako ng ospital.  I called my cousin earlier. Wala na kasi akong choice. I needed someone to confide this with. Hindi pwede sa mga ka banda namin dahil sigurado akong malalaman agad ni Aric. Wala yatang sikreto ang magkakaibigan na yun, they have known each other way before I came in the picture.

Remember Me This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon