Deleted Scene - 14

4.5K 186 14
                                    

Hya

"Aric? What's happening..." I grabbed his arm "Is this a dream? Bakit nandito sina Tita Gina?"

Nakita ko na naman dumaan ang isang lalake na may hawak na camera at isa namang nag vi- video.

They were wearing the same black shirt with a light blue lettering that says
"Project Forget Me Not."

"We will be going down the memory lane today Love. Babalikan natin ang mga alaala natin..." Aric said as he sat beside me fixing my hair behind my ears. "This time, I will keep it on video so that everything will be forever, even our memories. "

"Kaya ba naka school uniform ka?" tumango siya. "And Tita Gina, and Libay? Kinontact mo sila?" his smile widened as he nodded at me.

"This will be the theme for our pre-nup shoot. Ibabalik kita sa highschool. Like magic. Ibabalik kita sa mga panahong una kitang nakita at nakausap, kung kailan una kitang minahal. Bukas, babyahe tayo ng Camiguin."

"I'm excited. Thank you!" I wrapped my arms around him "You always give me your best, and I can't thank you enough. Parang kulang ang thank you ko."

"Pwede mo naman samahan ng kiss minsan." he joked but I kissed him anyway. And it was all captured in a photograph.

It was a two hour drive back to the old city we lived in. Ganun pa din halos ang Blue Valley, halos walang pinagkaiba. Pati ang street kung saan ang dorm ni Tita Gina, ganun pa din ang itsura. Yung tinadahan ni Ate na nagbebenta ng isaw. Yung videokehan sa may labasan nandoon pa rin. I was happy that I was able to go back there when I still can recall them.

I was feeling nostalgic stepping inside the campus. Madami na ang nagbago sa school, may mga new buildings na tinayo at wala na yung dating cafeteria sa tabi ng malaking puno sa may field kung saan ako dumadaan noon para mag cut class. Napangiti ako ng maalala ko si Mang Ferds, na laging witness ko sa kalokohan.

Nakasuot ako ng uniform, ganun din si Aric. Even Brent, Andrew and Kris came wearing their school uniform. Sabado nung araw na yun kaya wala yung mga estudyante.

"Saan tayo magsisimula?" tanong ko kay Aric na hawak hawak ang kamay ko. Bitbit niya sa kabilang kamay ang school bag ko at binder. Thanks to Tita Gina, buhay pa ang mga gamit ko. Hinalungkat daw nila sa bodega.

"Saan ba pinakamemorable para sayo?" tanong niya.

Nagisip ako saglit saka ko sinagot ang tanong niya "Sa likod ng St. Francis Building!"

Aric smiled remembering that place. Doon ako madalas tumambay noon nung nagpapakaemo ako at loner sa mundo. Kung saan madalas ako naninigarilyo at nag skip ng classes. Pero ang pinakagusto ko sa likod ng building na yun ay tanaw ko ang band room nila Aric kung saan lagi ko siyang ninanakawan ng tingin.

"Alam ko bakit mo favorite dito..." sabi pa niya.

"Bakit?" kunyari hindi ko pa alam ang sagot niya.

"Kitang kita mo kasi ako mula dito eh, doon sa room na yon kung saan kame nag ppractice ng tugtog." turo niya sa mismong silid na ginagamit nila.

"Ang kapaaaal..." sabi ko.

"Totoo kaya...sa tuwing may practice kame, tumatambay ka diyan."gumatong pa si Kris.

Remember Me This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon