4 - "Rainbow"

6.2K 277 24
                                    

Aric

"Why don't you go home for now and come back tomorrow? Baka pagod lang yun." Aunty Gina consoled me.

Nakita kong dire-direcho si Hya na umakyat at pumasok sa pangalawang kwarto sa taas ng hindi ako nilingon.

I saw that in her eyes. Nung nakita niya ako kanina, nag alala siya pero napalitan ito agad ng ibang emosyon ng magsalita na ako tungkol sa scandal na binibintang sa kanya. I just wanted to comfort her pero mukhang hindi niya ako kailangan ngayon gabi. But I wanted to tell her, andito lang ako at naniniwala sa kanya.

Nagpaalam na ako kay Aunty at lumabas na ng dorm ni Hya. Hinatid ako palabas ni Aunty sa may gate. Nilingon ko uli ang bintana. Sigurado akong bintana niya yon.

It would be a waste kung hindi ko man lang makakanta sa kanya ang kanta na ilang buwan ko din sinulat at inaral para mapankinggan niya sa araw na to.

Along with the cold air in the late night, I decided to give her cold heart a try. Again. Hindi ako magsasawang tunawin ang puso niya at sana kasabay ng pag patak ng ulan ngayong gabi ay lumambot na ang puso ni Hya. Para sa akin. At para sa kanya.

Mahal kita Hya. Mahal kita.

Nilabas ko ang gitarang dala ko at sinimulan na mag strum. Sumabay ang kulog sa pag aking pagtugtog. Binuhos ko ang feelings ko sa kanta sa labas ng gate ng dorm ni Aunty Gina.

🎶Tell me something
When I'm feelin' tired and afraid
How do you know just what to say
To make everything alright?🎶

Raindrops, they were slowly falling on me. I felt it over my face and hands, I still continued to sing. Sana matapos ko ang kanta bago umulan ng todo.

Sana lumabas ka, sana buksan mo naman ang bintana Hya. Humiling ako habang kumakanta.

🎶I don't think that you even realize
The joy you make me feel when I'm inside
Your universe
You hold me like I'm the one who's precious
I hate to break it to you but it's just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one🎶

Pero lumakas na lang ang ulan, walang Hya na dumating o bintanang binuksan.

Basa na ako ng ulan, masakit pa rin ang mukha ko sa bugbog.

I was about to reach the end of the song and so is my hope that she'll try to open her door for me. I felt hopeless that night but I know tomorrow won't be the same. Ganun ako pag sa kanya, akala ko hindi na, tama na pero pag panibagong araw na nagkakaroon na nanaman ako ng bagong pag asa.

Martir, pwede na akong ipabaril sa Luneta. Pero wala eh. Si Hya yan. Mahal ko eh.

🎶You can thank your stars all you want
But I'll always be the lucky one
I'll always be the lucky one
I'll always be the lucky one🎶

Tapos ko na ang kanta, sana narinig niya.

Sumilong ako sa saradong tindahan sa tapat ng dorm saka inayos at pinasok ko ang gitara ko sa loob ng case.

Mukhang wala ng taxi na dumadaan dito. Tinignan ko ang oras sa relo ko. Quarter to one in the morning. Napasapo ako ng noo, patay ako kay Mama nito.

Naglakad na ako palabas sa may highway para don mag abang ng taxi ng may maramdaman akong nakasunod sa akin.

Hya

I stood there behind the curtains and watched him sing under the rain. Basang basa na siya ng ulan pero di pa rin siya tumitigil. There are times na napapangiwi siya siguro dahil sa bugbog sa mukha niya. Ano kaya ang nangyari sa kanya?

Remember Me This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon