(1) THAT GIRL
Ethan Sebastian's Point of View:
"Hoy, Ethan! Tara na. Shot na tayo. Tumayo ka na dyan. Para ka namang sira, eh!" Sigaw ni Alvin mula sa labas ng kwarto ko.
Shit! Shot na naman? Eh, kakainom pa nga lang namin kagabi sa Bar ni Fred, eh. Mga wasalak talaga sa alak ang mga 'to. Tss! 🙄
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para hindi na marinig ang pagkatok ni Alvin. Pero ang lakas talaga ng katok niya at tuluyan niya ng nabuksan ang pinto ng kwarto ko. Badtrip!
"Preeeeeee! Gumising ka na. Bahala ka dyan. Ikaw din." Tuluyan na nga siyang nakapasok sa kwarto ko at niyugyog na ang buong katawan ko para lang magising ako.
Dahil sa inis ko sa kanya, bumalikwas ako ng bangon at hinarap siya.
"Ano ba pre?! Hindi ka ba makaintindi na may hang-over pa ako? Parang di naman tayo magkakasama kagabi, eh!" Inis na sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko.
Napakamot nalang sa ulo si Alvin at lumabas na ng kwarto ko, pero huminto muna siya sa may pinto.
"Kaya lang naman kita ginigising dahil may chicks na kasama si Fred, eh." Habol pa niya at nawala na siya sa paningin ko.
Parang nabuhayan ako sa sinabi niya at agad akong nagpunta ng bathroom para maglinis ng katawan.
Shit talaga 'tong si Alvin! Kung sinabi niyang may chicks pala silang kasama, hindi na sana ako nag-inarte na pa.
Saglit lang akong naligo at pagkatapos ay nagbihis na rin. Simpleng white V neck shirt at walking short lang ang sinuot ko. Nasa bahay lang naman ako, eh. Tsaka, kahit na ano namang suotin ko gwapo parin ako. 😎
Bumaba na rin ako para makipag-inuman ulit sa kanila. Kahit wala ng almusal, basta makapag-inom lang. Tsk. 💪
"Oh, ang bilis mo ata? Basta chicks talaga, mabilis ka pa sa alas kwatro Sebastian.m." Tudyo sa akin ni Alvin. Naupo naman ako sa tabi ng mga babaeng kasama nila.
"Siraulo!"
"Oh, shot mo na 'to." Inabot sa'kin ni Ejay ang baso na may lamang alak. Agad ko rin itong ininom.
"Nga pala pre, si Thea at Monique. Mga kaibigan ng pinsan ko." Pakilala ni Fred sa mga babaeng kainuman namin.
Nag-hi ako sa kanila at nakipag-shakehands din. Bale, ang itsura ng pwesto namin ay pa-L shape.
Si Fred, Ejay, Thea, Monique, ako at si Alvin.
Habang nagkakantahan 'yung apat, bigla nalang pinulupot ni Monique ang braso niya sa braso ko. Agad akong napatingin sa kanya. Ngumiti lang siya sa'kin at hinilig pa ang ulo sa balikat ko. Wow! Ang gwapo ko talaga.
Sorry. Chick magnet, eh. 😎
Kung saan saan na dumadapo ang mga kamay ni Monique, at hindi ko mapigilan ang init na nararamdaman ko ngayon. Wooh! 😱
Parang biglang uminit sa loob ng condo namin kahit pa centralized aircon ito.
"S-sandali lang." Sabi ko sa kanya at agad akong tumayo.
Nakakaasar naman! Bakit ba ang bilis niya? Hindi niya muna hinintay na ako ang gumawa ng ginagawa niya. Tsk. Ayoko pa naman sa lahat ng ganun. Mataas kasi ang respeto ko sa mga babae. Kahit 'yung mga nakaka-one night stand ko, nirerespeto ko. Ganun ako, eh. Pinalaki kasi ako ng maayos ng mga magulang ko.
Lumabas na ako ng cr, at muntikan na ring lumabas ang puso ko nang maabutan ko si Monique na nasa harap ng pinto. Jusko! 😳
"B-baㅡ" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan.
BINABASA MO ANG
She's Mine!
Romance"Basta! Kahit na anong mangyari, SHE'S MINE!" - Ethan Sebastian.