(6) INLOVE
Tumingala si Yonna nang tawagin ko ang pangalan niya. Ng makilala niya na ako, agad siyang tumayo at inayos ang sarili.
"S-salamat." Akmang aalis na siya, pero nahawakan ko agad ang kamay niya. Napatingin siya sakin.
"Y-yonna, sumama ka sa akin." Sabi ko kahit medyo nahihirapan akong gumalaw dahil sa iniindang sakit sa likod ko.
"Ayoko. Sinabi ko na sa'yo noon na hindi ako sasama. At hindi mo na ako kailangang bantayan pa! Kaya 'wag mo ng pahirapan ang sarili mo." Pilit niyang tinatanggal sa pagkakahawak ko ang kamay niya kaya mas lalo ko pang hinigpitan 'to.
Pucha! Hindi na nga siya nagpa-salamat sa pagtulong ko sa kanya tapos ay nagmamatigas pa siya. Nako naman! 🤦🏻♂️
"Nasasaktan ako." Daing niya. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya ng seryoso.
"Hindi mo ba talaga ako naiintindihan? Tingnan mo nga, kung hindi pa ako dumating, baka narape ka na ng mga ungas na 'yun. Sa dami ng mga dumaang lalaki dito, ako lang ang nangahas na lumaban sa mga 'yun. Sana naman, pumayag ka na. Para sa'yo din naman 'to, eh. Kahit ako naguguluhan kung bakit 'to pinapagawa ng Nanay ko. Pero sana, makisama ka naman. Para na rin sa ikapapanatag ng loob niya." Mahabang litanya ko.
Pero parang wala lang sa kanya ang sinasabi ko at nagpupumiglas parin.
Hay! Nakakainis na talaga. Kapag ako nainis, hahalikan ko na 'to!
"Ano ba? Ayoko nga sabi, eh! Hindi ka ba makaintindi? May sarili akong buhay. I can live with my own! So please, hayaan mo nalang ako." Halos mangiyak-ngiyak niyang sagot.
Saan ba pinaglihi ang babaeng 'to? Bakit sobrang hirap niyang pakiusapan? Grabe, ha. Hindi man lang tumatalab sa kanya ang pogi charm ko. Tsk!
"Yonna, simple lang naman ang hinihiling ko sa'yo, eh. Hayaan mo kong bantayan ka. Mahirap bang pag-isipan 'yun? Hindi mo man lang ba na-appreciate 'yung ginawa ko kanina? Grabe ka naman. Halos mamatay na ko sa pakikipag-away sa mga 'yun. Tapos, hindi ka pa papayag. Sus!" Pangongonsensya ko sa kanya.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakiusap sa babae. Ang dami kong ginawa na hindi ko pa nagagawa noon. Grabeng effort na 'to tapos di man lang niya naa-appreciate. Awts! Ang sakit sa ego. 😔
Bumitaw siya sa pagkakahawak ko at sumandal sa may railings. Yumuko siya at napahikbi.
"Buong buhay ko, daig ko pa 'yung asong nakatali. Ngayon ko lang naranasan ang maging malaya! Maski ako, hindi ko maintindihan kung bakit nila sa'kin ginagawa 'to. They leaved me clueless." Tumingin siya sa'kin na umaagos ang luha sa pisngi.
Nahabag ang loob ko sa sinabi ni Yonna.
Hindi ko nga rin maintindihan si Mama kung bakit niya 'to pinagagawa sa akin.
Pero, kasali na ako dito. At tungkulin ko na si Yonna.
Ano man ang dahilan, handa ako sa ano mang magiging kapalit nito. 💕
Iniwas niya ang tingin sa'kin at tumingin naman sa kalangitan.
"I miss them so much. They don't deserved to die in that kind of way. Sana ako nalang ang namatay! Ako naman ang dahilan kung bakit sila nawala sa akin, e." Paninisi niya sa sarili.
Kahit na medyo naiilang akong gawin 'to, nilapitan ko siya at niyakap.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo! May ibang plano siguro ang Diyos kung bakit niya kinuha sa'yo ang mga magulang mo. Basta, magpakatatag ka lang! Moving on is the best remedy." Hindi ko namalayang tinugon niya na rin ang yakap ko at sa balikat ko na siya umiiyak.
BINABASA MO ANG
She's Mine!
Romance"Basta! Kahit na anong mangyari, SHE'S MINE!" - Ethan Sebastian.