(16) OFFICIALLY YOURS
Magkahawak ang kamay naming dalawa ni Yonna paglabas namin ng hotel. Hanggang sa kotse habang nagdadrive ako ay magkahawak parin ang mga kamay namin. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Tumingin ako kay Yonna. Lumingon ito sa akin na may ngiti sa labi. Tila wala na ang sakit na dinulot sa kanya ni Drake kagabi.
"Yonna," ngiti ang itinugon sa akin ni Yonna. "So, ibig sabihin ba nito..." Huminto ako sa pagsasalita.
Itinaas ni Yonna ang kilay niya sabay tumango.
Anong ibig sabihin n'un? Kami na ba? Totoo ba talaga ito? 😱
"S-so ibig sabihin..."
"Yes, Ethan." Nakangiting sagot nito.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon. Halos pumalakpak ang tenga ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.
"Woah!" Masayang sambit ko.
'Yung babaeng pinapangarap ko lang noon, akin na ngayon.
Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang mga ganon. Pwede rin palang mangyari ito sa totoong buhay. At masaya akong nangyayari sa akin ito ngayon.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Yonna habang nakangiti akong nagmamaneho. Baliw na kung Baliw! E, sa masaya ako ngayon e. 😀
Huminto muna ako sa isang convinience store upang bumili ng babaunin namin ni Yonna papuntang Batangas.
Kanina ko lang iyon naisip. Alam kong iyon ang kailangan niya. Ang makapag-isip. Masyado na siyang na-sstress sa mga nangyayari sa kanya.
Pagbaba ko ng kotse, agad akong dumiretso sa tindahan. Papasok na sana ako pero bigla akong napatigil dahil may humawak sa balikat ko.
Paglingon ko ay isang malutong na suntok ang dumapo sa mukha ko.
"Tangina! Anong problema mo, pre?" Sigaw ko sa lalaking naka-hood sa harap ko.
Tinanggal nito ang suot na hood at laking gulat ko nang makilala ang lalaking sumuntok sa akin.
"Drake?!"
Ngumisi ito sa akin at muli akong sinuntok sa mukha.
Tangina! Ano bang problema nito?!
Nang maka-recover na ako sa pagkakasuntok niya, siya naman ang inundayan ko ng suntok. Hanggang sa mapahiga na ito sa sahig ay pinagsusuntok ko parin siya.
"Ano bang problema mo? Ikaw ang nanloko kay Yonna, dapat lang na parusahan ka." Tumigil ako sa pagsuntok kay Drake nang mapansin kong duguan na ito. Inaawat na rin kasi kami ng mga tao.
"Hindi sana malalaman ni Yonna ang lahat kung hindi ka pumasok sa buhay namin." Sabi pa ni Drake na pilit na tumatayo.
Natawa ako sa dahilan niya. "Proud pa kayo na niloloko niyo 'yung tao? Tss. Wala kang kwenta, Drake. Dapat lang sa'yo ang ginawa ni Yonna. Pero sa totoo lang, kulang pa nga ang ginawa ko sa'yo ngayon para pagbayaran ang ginawa mo kay Yonna, e. Fuck you ka!"
Iniwan ko si Drake na nakahandusay parin doon.
Pagbalik ko sa kotse, hindi ko alam kung paano sasabihin kay Yonna na nagpang-abot kami ni Drake.
Pagbukas ko ng pinto ng kotse, "What happened to your face?" Agad na bungad sa akin ni Yonna.
Magsisinungaling pa ba ako kung si Yonna na mismo ang nakapansin? Hay.
"Ah, wala 'to." Dahilan ko. Hindi na ako tumingin pa kay Yonna at minaniobra na ang sasakyan.
Ayoko ng dagdagan pa ang stress ni Yonna. Kaya nga kami aalis ay para makalimot siya sa mga nangyari sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's Mine!
Romance"Basta! Kahit na anong mangyari, SHE'S MINE!" - Ethan Sebastian.