(3) MISSION IMPOSSIBLE

7.2K 114 2
                                    

(3) MISSION IMPOSSIBLE

"Ethan, nandyan ang mama mo, hinahanap ka." Sabi ni Ejay pagbukas ng pinto ng office ko.

"Bakit daw?" Tanong ko. Ano naman kayang sadya ng Nanay ko at umuwi dito sa Pilipinas?

Nagkibit-balikat lang si Ejay at sinarado na ulit ang pinto. Bumukas ulit ang pinto at si Mama naman ang pumasok. Agad akong tumayo sa swivel chair ko at humalik sa pisngi ni Mama. Giniya ko rin ito sa may couch.

"Bakit kayo nandito 'Ma?" Tanong ko.

"Bibigyan kita ng trabaho." Diretsong sabi niya. Parang naguluhan naman ako sa sinabi ni Mama.

"T-trabaho? Pero, maayos namaㅡ"

"Ibang trabaho, anak. Hindi ito tungkol sa business." Sabi pa niya.

"H-ha?"

"May ipapabantay akong isang tao sa'yo." Tumigil siya sa pagsasalita at may kinuha sa bag niya. Isang picture at inabot niya ito sa'kin.

Nang tingnan ko ang picture, para akong aatakihin sa puso na mahihimatay.

😳😳😳

Holy cow! Bakit may picture si Mama ni Miss Byutipul ko? Pa'no nangyari 'to? Bakit hindi ko alam na kilala niya pala si Miss Byutipul? Blah blah blah!

"Siya si Yonna Madrid. 22 years old na siya at nandito siya sa Pilipinas ngayon kasama ang pinsan at boyfriend niya. Siya ang gusto kong ipabantay sa'yo." Pagpapatuloy ni Mama.

Nanatili akong nakatingin sa picture ni Yonna at kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha niya.

Hayst. Ang ganda talaga niya. At ang ganda rin ng pangalan niya. Bagay sa kanya.

"Malapit naming kaibigan ng Papa mo ang mga magulang ni Yonna sa States. Kaso, namatay sila dahil sa car accident at si Yonna lang ang nakaligtas. Saktong 22nd birthday niya ng mangyari ang aksidente. Dumaan siya isang matinding trauma dahil sa nangyari. Ito rin ang dahilan kaya pinauwi ko siya dito sa Pilipinas. Para makalimutan ang nangyari sa mga magulang niya. Sa ngayon, nakatira sila ng pinsan niya sa isang hotel. Wala kasi siyang mga kamag-anak dito sa Manila na pwedeng tirahan nila." Kwento sa'kin ni Mama. Tumingin ako sa kanya na may kasamang pagtataka.

"B-bakit gusto niyong bantayan ko siya? Kasama niya naman 'yung pinsan niya eh." Tanong ko.

Pero sa totoo lang, gusto ko 'yung ideya na babantayan ko ang babaeng nagpatibok ng puso ko ngayon. 😍

Atleast, may dahilan na ako para makita siya lagi. Landi ko. 😆

"Mahirap i-explain sa ngayon, anak. Kaya sana, bantayan mo siya ng mabuti kapag nakita mo na siya." Lalo tuloy nagpataka sa'kin 'yung huling sinabi niya.

Magtatanong pa sana ako, pero tumayo na si Mama para magpaalam na sa akin.

"Sige na, anak. Aalis na ako. Bibisitahin ko pa ang Lolo mo sa Cebu. Mag-iingat ka." Lumabas na si Mama ng office ko, habang ako ay naiwang punong-puno ng pagtataka at katanungan.

Medyo nakakapagtaka ang mga sinabi ni Mama. Pero, 'yung ideya na babantayan ko si Yonna, 'yun lang ang tanging malinaw sa akin ngayon.

Hindi ko tuloy alam kung blessed lang ba ako, o talagang tinadhana kaming magkita. 💕

----

Nang makaalis na ang Mama ko, bumalik na rin agad ako sa trabaho.

Pero hindi ako maka-concentrate dahil okupado ni Yonna ang buong utak ko. Isama niyo pa ang nakakapagtakang sinabi sa'kin ng Nanay ko.

Argh! Hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap kay Yonna, eh. Isang linggo na ata mula nang makita ko siya sa Bar ni Fred. Hayst.

Tiningnan ko na lang ulit ang larawan ni Yonna. Total, siya rin naman ang laman ng isip ko, eh.

Ang ganda niya talaga. 😍

"Pre, nabigay na ba sa'yo ni Missy 'yung ibang files ng bagong kliyente?" Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Alvin.

"Hobby mo ba talaga 'yung hindi pagkatok ng pinto?" Inis na tanong ko sa kanya. Pero imbes na sagutin ako, tinawan lang ako ng mokong at nag-peace sign pa. 🙄

Kung pwede lang talagang manakit ng bestfriend, eh. Hihi. 💪

Naupo naman siya sa receiving chair ko at may binigay na folder. Hindi ko na binasa 'yun at nilapag ko nalang sa table ko. Inipit ko na rin 'yung picture ni Yonna dun.

"Ano 'yan?" Akmang kukunin niya 'yung picture ni Yonna na nakaipit sa folder. Kukunin ko na sana para itago pero naunahan na ako ni Alvin.

"Wow! Ang ganda naman ng chicks na 'to. Akin nalang, pre?" Reaksyon niya ng pagmasdan ang litrato ni Yonna.

"Hindi pwede!" Sabi ko at kinuha ang picture sa kanya.

"Ang damot mo naman. Kailan ka pa nagdamot sa'min ng ganyan?"

"Tumigil ka nga dyan, Alvin! Hindi pwede dahil akin na siya. Tsaka, may pakay ako sa kanya." Sabi ko.

"Wow! Ano namang pakay mo sa kanya? Ikaw, ha? May kakaiba ka sigurong ginagawa na hindi namin alam?" Tudyo niya. Hinampas ko naman sa kanya 'yung folder na nasa desk.

"Tarantado! Kailangan ko kasi siyang bantayan. Utos sa'kin 'yun ng Nanay ko."

"H-ha? Bakit mo babantayan? Eh, hindi naman na bata 'yan?" Tanong niya.

"Wala kang pakialam. Utos 'yun ng Nanay ko."

"Tss! Eh, nakita mo na ba 'yan?" Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila na may nakita akong babae n'ung nakaraang buwan, at si Yonna nga 'yun.

Ayoko na munang sabihin sa kanila. Gusto ko, kapag nakita ko na mismo si Yonna, doon ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat.

"Hindi pa. Kaya nga magpapatulong ako sa inyong tatlo para mahanap siya, eh." Nakangiting sabi ko.

Napakamot naman sa ulo niya si Alvin. "Tsk! Patay tayo dyan. Hindi ako pwede, pre. Alam mo namang ang daming gawain dito sa office, eh."

"Alam ko. Kaya nga may secretary tayo para tulungan tayo sa mga gawain dito. Kaya 'wag kang mag-alala. Kaya pwede, itigil mo na 'yang pag-iinarte mo at bumalik ka na sa trabaho mo."

"Oo na po." Kamot-ulo niyang sabi at lumabas na ng office ko.

Sorry siya. Hindi siya makaka-hindi sa akin. Isang malaking misyon 'to at kailangan ko ng back-up. 👌

Saan naman ako magsisimula? Ni hindi ko nga alam kung saang hotel nags-stay itong si Yonna, eh. Wala man lang binigay na address sa akin si Mama. Hayst.

Mahirap man itong gagawin ko, buo na ang loob ko na hanapin siya. Kahit saang lupalop pa ng mundo iyan. Willing akong alagaan at bantayan siya. ❤️💪

KAYA MO 'TO, ETHAN! 👊

----

Si Yonna Madrid po ang nasa taas. ⬆️⬆️⬆️
'Yan po 'yung picture na pinakita ng Mama ni Ethan sa kanya. 💞

talklikeaboss 💋

She's Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon