Chapter 18

1.5K 25 0
                                    

Chapter 18

Agad na dinala ng mga Nurse si Yonna sa Emergency Room. Habang kami naman ay nag-aantay lang sa resulta ng nangyari kay Yonna.

Kanina pa ko hindi mapakali kung anong nangyari kay Yonna. Shet! Kinakabahan tuloy ako. >_<

"Ethan, pumirme ka nga muna! Para kang pusang hindi mapakali e. Kumalma ka lang." Sabi ni Ejay at naupo naman agad ako. Pero di parin mawala 'yung kaba e. Puta!

Agad namang dumating si Krissa na may dalang kape. Agad niya 'tong inabot sa'min. Ako naman ay patuloy lang sa pag-inom at hindi na ininda kung mapaso man ang labi ko.

"Hindi ka ba napapaso sa ginagawa mo? Dahan dahan naman sa pag-inom ng kape!" Pansin sa'kin ni Alvin. Pero di ko siya pinansin, patuloy lang ako sa pag-inom ng kape.

Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko ng lumabas na ng ER ang Doktor na umasikaso kay Yonna.

"Doc, ayos lang po ba si Yonna? Wala naman po bang malalang sakit? Ano po bang bawal sa kanya? Tsaka, han--"

"Pre, kumalma ka!" Sabi ni Fred habang tinatapik ang balikat ko.

"Ang test namin ay baka na-over fatigue lang siya kaya nahimatay siya. Pero we will undergo another test. Sasabihan nalang namin kayo kapag okey na!" Sabi nang Doktor at umalis na.

Bigla tuloy akong nanlumo sa sinabi niya at napaupo na ako sa sahig. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko ngayon, pero ang OA lang talaga. Tsk!

Bakit ganun? Tss. Ang gulo. -__-

"Pre, mabuti pa puntahan na natin si Yonna." Sabi ni Ejay at pinatayo ako.

Pumasok kami sa loob ng ER at nakita namin si Yonna na hindi parin nagigising. Agad akong lumapit sa kanya at hinimas-himas ang buhok.

Sabihin niyo nang OA at Bakla ako. Pero mahal ko si Yonna. Kaya hindi kinakaya ng puso ko na nakikita siyang ganito. Ewan, pero bigla akong napaiyak.

"Y-yonna, pasensya n-na kung d-dahil sa s-sinabi ko k-kanina kaya ka s-siguro nahimatay. Baka d-delay lang 'y-yung reaksyon m-mo sa s-sinabi ko kanina." Sabi ko habang patuloy parin sa pag-iyak.

Tangina. Ang bakla ko naman! Ngayon lang talaga ako umiyak sa isang babae. Worth it naman ang pag-iyak na 'to dahil mahal ko si Yonna.

Mukhang naalimpungatan ata si Yonna kaya pilit itong tumatayo.

"Yonna, baka hindi mo pa kaya. Mahiga ka muna ulit." Sabi ni Fred, at agad namang sumunod si Yonna.

"A-ano bang nangyari?" Tanong niya habang sinasapo ang ulo.

"Nahimatay ka kasi habang nagkakasiyahan tayo sa Bar." Sagot ni Alvin.

"Kaya, magpahinga ka muna. Hintayin nalang natin 'yung susunod na test ng Doktor!" Sabi naman ni Ejay.

She's Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon