(12) ASSUMPTIONS
Listen to Uncle Kracker's Follow Me while reading this chapter. Enjoy the party. :)
----------------
Naghahanda na kami para sa party ni Kara. Ayoko sanang magpunta, pero pinilit ako nitong tatlo na sumama e. Mukha naman daw kasing nagbago na si Kara. Tss. Sana nga e. Pero, iba talaga ang nararadar ko ngayon. Mali sana 'tong hinala ko.
"Pre, pogi na ba ako?" Tanong sa akin ni Alvin habang nagmi-mr pogi look pa sa salamin.
"Tss. Di ka pogi, mukha kang kokey!"
"Boom! Panes!" Asar namin sa kanya at binato niya pa kami ng unan. Haha. Lakas ng loob makapagsabi ng pogi. Saan banda?
"Hindi niyo talaga ako sinisuportahan." Kunwaring nagtatampo pa si Alvin.
"Tse! Hindi bagay sa'yo, pre. Mukha kang bading. Hahaha." Asar pa sa kanya ni Ejay.
"Tigil niyo na 'yan. Tara na! Susunduin pa natin si Yonna." Awat naman ni Fred.
Nakakainis. Ang ayoko sa lahat ay 'yung nagsusuot ng suit e. Di kasi ako komportable sa mga ganito. Tsk.
Nagtungo na kami sa parking area at handa nang sunduin si Yonna. Ano kayang itsura niya sa suot niya? I'm sure, sobrang ganda niya. Hehe. Kahit ano namang suotin niya, maganda parin siya. Si Yonna 'yan e. :D
Pero bakit ganun? Parang iba 'yung nararamdaman ko sa pagpunta sa party ni Kara. Tsk. Mahirap 'to. Huwag lang talaga gumawa ng eskandalo itong si Kara. Baka may iba akong magawa sa kanya.
"Pre, ayos ka lang ba?" Pansin sa akin ni Alvin.
Ngumiti ako sa kanya ng alanganin. "Oo naman."
"Weah? Eh, bakit parang di maipinta 'yang mukha mo?" Sabi naman ni Ejay.
"Para kasing may mangyayaring kakaiba mamaya e. Pero sana mali 'tong nararamdaman ko." Sagot ko.
"Alam mo pre, enjoy nalang natin ang party ni Kara. Lalo pa't kasama mo 'yung mahal mo." Tudyo pa ni Fred.
Oo nga. Wala na dapat akong iniisip na kung ano pa. Ang mahalaga, magkasama kami ni Yonna ng buong gabi. Ayos na 'yan.
Nginitian ko lang sila. Pagkatapos ay bumaba na kami ng sasakyan at nagtungo na sa hotel room nila Yonna.
Knock knock knock.
Si Princess ang nagbukas ng pinto. "Hi." Bati ko at ngumiti sa kanya. Gumanti rin naman siya ng ngiti pati rin kina Alvin.
"Pasok muna kayo," nilakihan niya ang bukas ng pinto at pumasok din naman kaming apat.
"Maupo muna kayo. Hindi pa kasi tapos mag-ayos si Yonna e." Dagdag pa niya.
Maya-maya din ay lumabas sa kwarto si Yonna suot ang isang royal blue gown. Wow. O___O
I can't explain the view now. Basta, it's really beautiful. Si Yonna ba talaga 'yan? Shet!
Alam niyo 'yung parang nakakita ako ng anghel sa katauhan ni Yonna? As in, talaga!
"Hey!" Nabalik lang ako sa sarili ng magsalita na si Yonna.
"He-he, ang ganda mo." Sabi ko sa kanya habang nakangiting aso. Hehe.
Halata naman ang pamumula ng pisngi ni Yonna kaya napapayuko ito.
"Thankyou."
"Oh, halika na! Baka maglupasay na si Kara sa party niya kapag di pa tayo dumating." Aya na sa amin ni Ejay.
BINABASA MO ANG
She's Mine!
Romance"Basta! Kahit na anong mangyari, SHE'S MINE!" - Ethan Sebastian.