(2) SECOND SIGHT

10.5K 165 0
                                    

(2) SECOND SIGHT
After one month

Natapos ang buong oras ko sa office sa kakaisip kay Miss Byutipul. Paano, isang buwan ko na kasi siyang hindi nakikita, eh.

Isang beses ko pa lang siyang nakikita, pero parang matagal ko na siyang kilala. Oo na, baliw na kung baliw! Sa na-inlove ako sa kanya, eh. 😔

Sa laki ng Pilipinas, hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap sa kanya. Ngayon lang ako nabighani sa isang babae. Pero kung talagang determinado ka, gagawa ka ng paraan para magkita kayong muli. 💪

Ako nga pala si Ethan Sebastian. 25 years old na ako at kasalukuyang may-ari ng isang Engineering Firm.

Nang makapasa ako sa Board Exam bilang Industrial Engineering, naisipan naming magkakaibigan na magtayo ng isang kompanya. Sina Fred James Francisco, Ejay Espiritu at Alvin Moses ang partners ko sa kompanyang tinayo namin. At syempre, sila rin ang Bestfriends ko mula noong College pa kami.

Bukod sa kasosyo ko si Fred sa kompanya namin, nagma-manage din siya ng isang Bar na binigay sa kanya ng Parents niya ng mag-migrate sila sa America. Si Fred nalang ang naiwan dito sa Pilipinas.

Habang si Ejay at Alvin naman ay kasa-kasama ko parin sa kompanya.

Simula first year college ay magkakasama na kaming apat. Mula sa kalokohan ay sila ang kasa-kasama ko. Kumuha pa nga kami ng condo para lang hindi na kami maghiwa-hilaway, eh. Ganyan talaga ang tunay na magkakaibigan. 💪

Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa dami ng trabahong ginawa ko. Isama mo na rin ang pag-iisip ko kay Miss Byutipul. Hayst.

Sina Alvin at Ejay ay nauna na sa Bar ni Fred. Kaya naman tumayo na ako mula sa kinauupan ko.

----
Fred's Bar

Alas siyete palang ng gabi pero ang dami ng tao sa Bar ni Fred. Usually kasi, 9 or 10 ang puntahan ng mga gumigimik dito. Pero sabagay, friday nga pala ngayon at pay day rin, kaya maraming mga party hopper ngayon.

Dumiretso ako sa Bar Lounge at naabutan ko 'yung tatlo na masayang nagtatawanan.

"Yo! Ang tagal mo, pre." Bati sa'kin ni Ejay at nakipag-hand fist. Ganun din 'yung dalawa.

"Abnormal kayong dalawa! Iniwan niyo ko sa office eh. Alam niyo naman na marami pa kong ginagawa. Patay gutom talaga kayo sa alak." Sabi ko sa dalawa at tinawanan lang ako.

"Ayos lang 'yan, pre. Parang di ka naman sanay sa dalawang 'yan." Sabi naman ni Fred at tinagayan nalang ako ng isang shot ng tequilla.

Habang nag-iinuman kami, may nilabas naman na cellphone si Ejay.

"Hanep! May bagong cellphone si kupal. Binili mo?" Tanong sa kanya ni Alvin.

"Malamang binili ko! Gago ka ba?!"

Binatukan naman siya ni Alvin at natawa lang kami ni Fred.

"Gago ka rin pala, eh! Malay ko ba kung ninakaw mo 'yan." Sagot pa ni Alvin.

Nagtawanan nalang kami at nagkwentuhan ng ibang bagay.

Sa'min kasing apat, pantay pantay kami. Magkakaibigan naman kami at parehas na sumasahod. Pero kapag nasa trabaho kami, trabaho ang inaatupag namin.

----

Pagkatapos naming magkwentuhan, nag-aya 'yung dalawa na magsayaw daw kami sa dance floor. Pero dahil parehong kaliwa ang paa ko, hindi ako sumama. Nandito lang ako sa gilid at pasimpleng umiinom habang tinitingnan ko 'yung dalawa na nagsasayaw sa dance floor. Medyo lasing na kasi sila kaya wild na kung magsayaw. Tsk.

Si Fred naman ay inaasikaso ang mga bagong dating na customer.

"Hi." Nagulat ako ng may bigla nalang na lumapit sa'kin. Sasapakin ko sana, pero buti nalang at napansin kong babae siya. 😆

Ngumiti lang ako sa kanya at binaling ulit ang tingin sa mga nagsasayaw. Narinig ko pa siyang sinabihan akong 'sunget' at umalis na.

Pasensya na, hindi ko siya type, eh. Gaya nga ng sabi ko, ayoko ng inuunahan ako ng babae pagdating sa first move. Gusto ko, ako ang gagawa n'un para sa kanila. Tsaka, hanggang hi and hello lang muna ang kaya kong ibigay sa first base. Tsaka na 'yung second base kapag na-apply na namin 'yung 'getting to know each other' stage. Pangit kasi 'yung grab lang ng grab. Dapat, kilalanin muna ang isang tao.

Learn from the expert. 😂

Habang patuloy ako sa pag-inom, bigla ulit may lumapit na babae sa'kin. At ito talaga ang masasabi kong kukumpleto ng buong gabi ko.

😳😳😳

Bakit? After one month, nakita ko ulit ang babaeng nakita ko sa Mall.

Si Miss Byutipul ko. Tanda niyo pa ba? Siguro naman.

"Pwede bang maki-share ng table sa'yo? Occupied na kasi lahat, eh." Nakangiting tanong niya.

Tila estatwa akong um-oo with matching naka-nganga pa. 😳

"Thanks." Sabi pa niya at nilapag ang hawak na beer sa table.

Nanatili akong walang imik habang pinagmamasdan siyang sumasabay sa beat ng music.

"Excuse me? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya.

"H-ha?" Sagot ko. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya. Tila tanga ako na hindi alam ang ginagawa. Sorry po. Ang ganda niya kasi, eh.

"Sabi ko, kung may dumi ba 'yung mukha ko? Kanina mo pa kasi ako tinitingnan." Ulit niya.

Parang natauhan naman ako sa sinabi niya at iniwas ang tingin sa kanya.

"A-ah, e-eh, w-wala. Wala." Sagot ko na lang na hindi lumilingon sa kanya. Feeling ko, namumula 'yung pisngi ko sa sobrang hiya sa kanya.

Tsk! Epic fail ka talaga Ethan. 😣

Narinig ko pa siyang natawa ng mahina at nagpatuloy sa pagsabay sa beat.

Habang umiinom ako, tinitingnan ko parin siya sa gilid ng mata ko. Di ko mapigilan, eh.

Ganito pala ang feeling ng inlove, 'no? 'Yung hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Bigla ka nalang na matatameme kapag nandyan na siya sa harapan mo. Hayst.

"Siiiiiiiiiissss!" Sabay kaming napalingon ni Miss Byutipul nang may tumawag sa kanya.

Unti-unti itong lumapit sa kanya at niyakap si Miss Byutipul.

Siya 'yung babaeng katabi ko sa bench noong nagpunta ako ng Mall.

"Tapos ka na bang magsayaw?" Tanong ni Miss byutipul sa kanya.

"Hindi pa nga, eh. Kaya nga kita tinawag para sabayan ako sa pagsayaw. Tara?!" Hinila ng kasama niya 'yung kamay ni Miss Byutipul at nagtungo na sila sa dance floor.

Tinanaw ko pa sila, pero nawala na rin sila sa paningin ko dahil natakpan na sila ng mga nagsasayaw at unti-unti na ring dumidilim sa gitna.

Tsk! Nakakainis naman. Hindi ko pa nga natatanong 'yung pangalan niya, eh.

Paano na 'yan? Baka matagal na naman bago ulit kami magkita. 😞

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Inlove na ba talaga ako kay Miss Byutipul? Totoo na ba 'to?

Alam kong mali. Pero wala, eh. Inlove na nga ata talaga ako. 🙈

----
OTHER CHARACTERS
Fred James Francisco
Ejay Espiritu
Alvin Moses

She's Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon