(11) DON'T CRY

1.4K 33 1
                                    

(11) DON'T CRY

Tatlong linggo na ang nakakalipas mula nang mabaril ako. Pero syempre, hindi muna ako bumalik sa trabaho. Di pa magaling 'yung sugat sa likod e. Alangan namang pilitin kong magtrabaho kahit masakit pa 'yung likod ko? Baka natuluyan na ako n'un.

Pero kahit na hindi pa ako masyadong kumikilos, hindi parin pwedeng kalimutan ko ang obligasyon ko kay Yonna.

N'ung mga panahong wala ako sa tabi niya (sa tabi niya talaga? Haha), syempre pinapabantay ko muna siya dun sa tatlong ugok. Kailangan e. Baka maulit na naman 'yung nangyari.

"Pwede ba nating sunduin si Yonna sa hotel nila? Miss ko na siya e." Sabi ko sa tatlo.

"Gago! Hindi pa masyadong magaling 'yung sugat mo. Baka lumabas 'yung pari dyan. Sige ka." Pagbabanta ni Alvin.

Napairap ako at binato siya ng unan. "Gago ka rin. Sa likod lang ako nabaril hindi sa buong katawan ko. 'Wag kang ano dyan!"

"Pero sigurado kana bang kaya mo na? Kasi kung pinipilit mo lang 'yung sarili mo na kaya mo na, kami nalang tatlo." Sabi pa ni Fred.

"Kaya ko naman na e. Ayoko namang gawing baby 'yung sarili ko. Promise, kaya ko na talaga!"

Grabe namang mag-alaga sa'kin 'tong mga kaibigan ko. Tsk. Swerte ko talaga sa kanila. Kung pwede lang silang asawahin e. Haha.

"Kung kaya na ni Ethan, ano pang hinihintay natin? Tara na!" Aya sa amin ni Ejay.

Sinuot ko muna 'yung blue cardigan ko at sumunod na sa kanila palabas ng condo.

---

Nandito na kami sa harap ng hotel room ni Yonna. Di ko maexplain 'tong nararamdaman ko e. Masyado akong naeexcite. Gusto ko na talagang makita ulit si Yonna. Hehe.

"Ui, katukin niyo na!" Utos ko sa tatlo.

"Anong kami? Ikaw kaya dapat. Ikaw lang naman ang nakakamiss kay Yonna e. Baka isipin niya pa manliligaw kami. Dali na." Tudyo ni Ejay habang tinutulak pa ako.

Tss. Mga tamad talaga. "Oo na." Sinimulan ko na ang pagkatok sa pinto.

Agad din namang bumukas ito at isang pamilyar na mukha ang nagbukas. Yeah. Siya nga 'yung nakita ko sa Mall at Bar ni Fred. Siya na nga ata 'yung pinsan ni Yonna.

"Yes, sino sila?" Tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Ako nga pala si Ethan at sila naman ang mga kaibigan ko." Tinuro ko naman 'yung tatlo na nasa likod ko lang.

"Ah, I'm Princess naman. Ikaw pala 'yung sinasabi ni Yonna na nagbabantay sa kanya. Ano nga palang kailangan mo?"

"Nice meeting you, Princess. Nandyan ba si Yonna?"

"Wala e. Kasama niya 'yung boyfriend niya na si Drake. Kilala mo na siguro 'yun."

Biglang nagkuyom ang kamao ko pagkarinig sa pangalan ni Drake. Tangina! Kapag sinaktan niya ang Mylabs ko, di ko na talaga siya sasantuhin. Tsk! Bakit di sinabi sa'kin 'yun ni Yonna? Naman, oh!

"Ganun ba?"

"Oo eh. Sabihin ko nalang sa kanya na dumating ka."

Napatango nalang ako. Pero deep inside my heart, nanghihinayang ako na hindi ko ulit makikita ang Mylabs ko. Argh! Miss ko na siya e.

"Sige, salamat. Alis na kami." Sabi ko pa at nanlulumong muling naglakad.

Shit! Ba't ba kasi may mga asungot pa sa buhay namin ni Yonna. Si Kara, ang hilig umepal. Gusto pang makipagbalikan sa'kin. Tapos ito namang si Drake na boyfriend ni Yonna. Asar naman! Dapat kami lang dalawa ang bida sa istoryang 'to. Wala na dapat pang umeepal.

She's Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon