Chapter 19
Maaga akong nagpunta sa ospital para bisitahin si Yonna. Pinauwi niya kasi ako kagabi nang dumating si Princess. Baka daw kasi mapagod ako sa pagbantay sa kanya.
Hindi na rin muna ako pumasok sa office. Magha-halfday nalang siguro ako. Ngayon kasi sasabihin ng Doktor 'yung second result nila about sa pagkahimatay ni Yonna.
Naabutan kong nagkwekwentuhan 'yung magpinsan pagpasok ko.
"Ang aga mo ata?" Bungad sa'kin ni Princess. Nilapag ko muna sa may table 'yung dala kong prutas para kay Yonna.
"Eh 'di ba, ngayon na sasabihin 'yung second result? Kaya inagahan ko para maabutan ko pa.
"May pasok ka, 'di ba? Sana pumasok ka nalang muna." Sabi naman ni Yonna.
Tumabi ako sa may kama niya at hinaplos-haplos ang buhok.
"Ano ka naman ang boss nila eh. Kaya ayos lang 'yun." Sabi ko at natawa naman sila ni Princess.
"Yung totoo? Ano na talagang real score sa inyong dalawa? Hmm.. I smell sweetness here. Hahaha." Natatawang tudyo sa'min ni Princess.
Nagkatinginan naman kami ni Yonna, at parang nagtatanungan ang mga mata namin kung ano na ba talaga ang meron sa'min?
Nag-iwas nalang ako nang tingin. Ayoko kasing pangunahan siya. Hihintayin ko nalang muna na maging okey siya bago ko tanungin kung ano na nga ba talaga ang meron sa'min. Pwede naman 'yun, di ba? ü
"Alam niyo, based sa mga tinginan niyong dalawa, parang may malalim kayong connection sa isa't-isa. Nagkita na ba kayo sa past life niyo?" Sabi pa ni Princess.
Siguro. Kasi, kung kami talaga nung past life namin, pwede kaming pagtagpuin ulit ni God. Hahaha. Ayos! Destiny ang tawag dun dre. :D
"Hindi naman siguro. Maaaring sa future magkita kami." Sabi naman ni Yonna.
Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng makahulugan.
Sa future? Gusto niyang magkita kami sa future? So, may pag-asa pala ako? Ayos. :">
"Good naman 'yun! Boto ako kay Ethan para sa'yo, sis. Kasi, lagi siyang nandyan para sa'yo. Hindi kagaya ni Drak--" Napatigil sa pagsasalita si Princess at nagtakip ng bibig. "Oopss! Sorry sis." Sabay nagpeace. (- -,)v
Natawa naman si Yonna at pinagtaka ko 'yun. Naka-move on na ba siya?
"Ano ka ba. Wala na 'yun. Nag-usap naman na kami, at naayos na namin ang sa'min. Tsaka, I've move on. Masaya na si Drake, kaya dapat masaya na rin ako." Sabi niya at hindi parin nawawala ang ngiti sa labi niya.
Tumingin ako sa kanya at napangiti narin.
"Very good 'yan, sis. But wait, kumain kana muna para mas lumakas ka pa." Sabi pa ni Princess habang pinaghahanda ng pagkain si Yonna.
BINABASA MO ANG
She's Mine!
Romance"Basta! Kahit na anong mangyari, SHE'S MINE!" - Ethan Sebastian.