(5) HANDSOME KNIGHT

4.2K 65 2
                                    

(5) HANDSOME KNIGHT

Sa paghahanap ko kay Yonna, napunta ako sa isang squatter's area. Pinasok ko ang isang eskinita na puno ng mga tambay. Tsk!

Nakakatakot naman. Kahit na lalaki ako, natatakot din naman ako sa mga sanggano. Bukod sa ang sama na ng tingin sa'kin, parang papatayin pa ako. Nyay! Sayang naman 'tong gwapo kong mukha kung magagalusan lang. 🤦🏻‍♂️

Binilisan ko nalang ang takbo ko, at nakarating ako sa isang malaking creek side. Sa paglalakad ko, napansin ko ang mga batang nagkukumpulan sa isang side ng creek. Pinuntahan ko sila at nakita ko ang isang babae na masayang nagbibigay ng pagkain sa mga batang pulubi.

Mukhang masayang-masaya siya sa ginagawa niya kaya pinagmasdan ko lang siya. Nakakatuwa kasi siyang pagmasdan habang ginagawa niya iyon. 😍

Natapos na siyang mamigay ng mga pagkain at inaayos niya na ang kanyang mga gamit. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siya.

"Excuse me?" Tanong nito. Nag-angat ako ng ulo. Habang si Yonna naman ay nagtatakang nakatingin sa akin.

Tama. Si Yonna nga ang nakita ko.

"Yes?" Nakangiting tanong ko.

"I'm sorry, pero hindi naman ako nanghihingi ng tulong." Sabi nito.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Oo nga naman. Pero gusto ko siyang tulungan, eh. 😍

"Oo nga. Pero, masama bang tulungan ka?" Tanong ko. Umiling naman siya bilang sagot.

"Ayun naman pala, eh. Kaya, hayaan mong tulungan kita." Nagpatuloy ako sa ginagawa kong pagwawalis ng mga kalat.

Hinawakan ni Yonna ang kamay ko kaya napatigil ako sa aking ginagawa.

"Hindi mo naman ako kilala, at hindi rin kita kilala. So I guess, reason na 'yun para hindi ako tulungan." Nakangiting sabi niya at kinuha ang walis tingting.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya habang winawalisan ang mga kalat.

"Eh, pa'no kung sabihin ko sa'yo na kilala kita?"

Tumigil siya sa kanyang ginagawa at tiningnan ako na parang nagtataka.

"K-kilala mo ko?"

Tumango-tango ako. "Ikaw si Yonna Madrid. By the, I'm Ethan Sebastian." Nilahad ko ang kamay ko pero hindi niya ito pinansin. Nanatili siyang nakatitig sa'kin.

"P-paano?"

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Kasi, kailangan kitang bantayan." Tanging sagot ko.

"T-teka.. ano bang ibig mong sabihin? Bakit kailangan mo kong bantayan?" This time, nakairap na siya sa'kin.

"Ang hirap kasing ipaliwanag kung bakit, eh. Pero, inutos 'yun sa'kin ng Mama ko."

"Sino ba 'yung Nanay mo?"

"Claudia Sebastian."

"Oh, I see." Sabi nito at napatango-tango. "Pero, hindi mo naman na ako kailangang bantayan pa, eh. Besides, I'm with my cousin at tumutuloy kami sa isang hotel. So, I supposed na walang rason para bantayan mo ako." Dagdag pa nito.

Napabuntong-hininga ako. Medyo makulit siya at ayaw magpatinag. Kaya ito lang ang tanging alam ko na paraan para mapapayag siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at tumakbo ako patungo sa kung saan.

"Teka nga! Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong niya habang nagpupumiglas.

She's Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon