(4) SEARCHING
Mahigit isang buwan na kaming naghahanap kay Yonna, pero hanggang ngayon ay hindi parin namin siya nakikita.
Hinanap ko na nga siya sa fb, twitter, instagram at tumblr, pero wala parin. Hindi ba siya marunong gumamit ng social media? Tss.
Tapos, pinost na rin namin ang picture niya sa mga bangketa para lang mas mapadali ang paghahanap namin sa kanya.
Pero hanggang ngayon, wala paring tumatawag kung may nakakita sa kanya. Hayst. 😔
Kung hindi lang dahil pursigido akong mahanap si Yonna, hindi ko naman 'to gagawin, eh.
Tsaka, miss ko narin kasi siya. Nagsasawa na kasi akong tingnan siya sa picture at makita sa mga panaginip ko. Gusto ko, sa personal ko naman siya makita.
"Ba't parang ang lalim ng iniisip mo?" Pansin sa'kin ni Fred.
"Oo nga. Ang isipin mo, kung paano natin makikita 'yang si Yonna. Isang buwan na kaya natin siyang hinahanap. Sinuyod na natin ang buong Metro Manila, pero walang namang Yonna na lumalabas." Sabi naman ni Alvin.
"Tsaka, totoo ba talaga 'yang si Yonna? O, baka niloloko ka lang ni Tita Claudia?" Tanong naman ni Ejay.
Bumuntong-hininga muna ako. "Oo, totoo si Yonna, at nakita ko na siya."
Kumunot naman ang noo ng tatlo sabay napakamot sa ulo.
"Paanong nakita?"
"Saan at kailan?"
"Bakit hindi mo sa'min sinabi?"
Sunod sunod na tanong nila.
"N'ung una ko siyang makita, sa isang mall. Ayun 'yung umalis ako noong nandito sina Monique. Tapos 'yung pangalawang beses, sa bar naman ni Fred." Sagot ko. Taimtim ba nakikinig sa akin ang tatlo kong kaibigan.
"Sa totoo lang mga pre, nainlove na ako sa kanya n'ung una ko palang siyang makita." Patotoo ko pa.
"Kaya naman pala parang ganado ka kapag nagtratrabaho?" Natatawang asar sa'kin ni Alvin.
"Oo nga. Hindi mo man lang sinabi sa'min na may pinopormahan ka na pala." Sabi naman ni Fred.
"Pero teka, pa'no nga natin makikita 'yang pinakamamahal ni Ethan? May naiisip pa ba kayong paraan?" Pag-iiba ng topic ni Ejay.
Napaisip naman kaming apat. Ano nga kayang iba pang paraan para makita na namin si Yonna My labs? Hmm. 🤔
"Alam ko na!" Sabay sabay kaming napalingon kay Fred.
"Kung manawagan kaya tayo sa tv?" Suhestiyon nito.
"Oo nga naman! Magandang idea 'yun. Atleast, mapapanood niya tayo sa tv at madali niya tayong mako-contact." Pagsang-ayon naman ni Alvin.
"Tama nga naman! Ito rin kasi 'yung naiisip kong solusyon, eh." Sabi pa ni Ejay.
"Ayos naman 'yang naisip niyo, eh. Kaso nga lang, parang ang OA naman masyado. Hindi niya naman tayo kamag-anak para ipanawagan pa siya." Sagot ko.
"Eh, anong gusto mong gawin natin? Hanapin 'yung taong ayaw namang magpakita? Parang tanga lang tayo n'un, pre." Dagdag pa ni Alvin.
May point naman sila. Ang kaso, nahihiya kasi akong lumabas sa tv. 🙈
Baka bigla akong madiscover at mapalitan pa si Derek Ramsay at Piolo Pascual. 😆😎
"Sige, sige. Pag-iisipan ko 'yan." Sabi ko nalang.
BINABASA MO ANG
She's Mine!
Romance"Basta! Kahit na anong mangyari, SHE'S MINE!" - Ethan Sebastian.