(10) THEME PARK

1.5K 39 0
                                    

(10) THEME PARK

Sa isang Theme Park dito sa Manila kami nakarating ni Yonna. From Quezon City, napunta kami ng Manila ni Yonna? Hahaha. Para kasing ayoko nang matapos 'yung byahe kanina eh. Ang sarap kasing kausap ni Yonna. Tawa lang siya ng tawa habang nagkwekwento ako.

Ang weird nga n'ung sinabi niyang ngayon lang siya nakatawa ng ganun. Tss. Pero atleast, ako ang nakapagpasaya sa kanya. :">

"We're here!" Sabi ko pagkababa namin ng kotse.

Parang batang manghang-mangha si Yonna habang pinagmamasdan ang buong theme park.

"Waah! Ang saya naman dito, Ethan. Tara, pasok na tayo." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob.

Sa totoo lang, gusto ko 'yung tagpo naming ganito ngayon. 'Yung parang, nagdedate lang kami. Hehe. Buti nalang pala at umalis kami sa Bar ni Fred. Sana hindi na matapos ang gabing 'to. :">

Nagpunta muna kami sa ticket booth para bumili ng ticket. Tapos hinayaan ko na si Yonna na pumili ng una naming sasakyan.

Huminto naman si Yonna sa paglalakad. Nasa harap kami ngayon ng roller coaster ride. Nyay!

"Ethan, sakay tayo dito." Yaya sa'kin ni Yonna. Ako naman ay napalunok lang sa sinabi niya.

'Yung totoo? Sasakay ba talaga kami dito? Nyay. Parang gusto ko nang mag-backout eh. Huhuhu. Pasensya na mga pre, takot lang talaga akong sumakay sa mga ganitong rides. Di ko naman kasi hilig ang mga ganito e. Napasubo lang sko dahil sa pag-epal ni Kara kanina.

"Ui, ano na?!" Nabalik ako sa realidad ng kalabitin ako ni Yonna. "Sakay na tayo?!"

Muli na naman akong napalunok. Waaaah! Si Yonna naman, oh!

"Huwag mong sabihin na takot kang sumakay dito?" Tila may pang-aasar sa tono niya habang sinasabi 'yun. Samahan pa ng mapanuksong ngiti niya.

Oo, takot nga ako. Bulong ko sa sarili. Pero hindi ako pwedeng matakot ngayon. Pagkakataon ko na para masolo si Yonna. Lalakasan ko nalang loob ko. Hehe.

Help me Lord. "H-hindi a-ako takot d-dyan. T-tara na n-nga.." Kunwaring sabi ko nalang at inunahan ko na siyang makasakay. Sumunod naman siya sa'kin pero hindi parin nawawala ang mapang-asar niyang ngiti. Psh!

Hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar sa'kin ni Yonna. Ieenjoy ko nalang ang gabing 'to, kahit na parang nasusuka na ako. Hehe.

Nagsimula na sa pag-andar ang roller coaster, at nagsimula narin ang pagkabog ng dibdib ko. Napahawak agad ako sa safety hand rails. Mama ko po! >////<

"Humawak ka nalang kaya sa'kin para hindi ka lalong matakot."

Saglit na nawala ang kaba ko sa sinabi ni Yonna at agad akong napatingin sa kanya. Pero nanatili parin akong nakahawak sa hand rails.

"Sigㅡ AAAAAAAAAHHHHHHH!" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla nalang bumilis ang takbo ng roller coaster. Sa sobrang takot ko, napayakap na tuloy ako kay Yonna. Hehehe. :">

WAAAAAAAAAAAHHHHH! Sa utak ko nalang ako sumisigaw dahil ayokong pagtawanan ni Yonna. Baka isipin niya, sa roller coaster lang nababakla na ako. No way!

Nanatili lang akong nakayakap kay Yonna at nakapikit. Hindi ko namalayang tapos na pala. Hindi naman ako masyadong obvious, 'di ba? :D

Medyo hilo pa ako pagbaba namin kaya naisipan kong maupo muna. Katakot kaya, este kapagod kaya!

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Yonna. Tumango lang ako sa kanya.

Oo, kahit hindi. Waaah! Nakakasawa nang magpanggap na okay ako! Tss. Buti nga sa'yo, Ethan. Nagmamatapang ka, eh. 'Yan tuloy napala mo. >__<

She's Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon