(13) YOU AND I

1.4K 29 1
                                    

(13) YOU AND I

Kung meron kayong song na Collide by Howie Day sa playlist niyo, play niyo siya habang binabasa 'yung moment nila Yonna at Ethan sa loob ng car. Hihi. :)

------------------

Ayoko sanang pumasok ng office, pero marami pa pala akong mga tatapusing paperworks. Ayoko rin naman na i-down nalang ang sarili ko sa mga naiisip kong problema. Kailangan ko ring libangin ang sarili ko.

"Sir, hinahanap po kayo ng Mama niyo. Nasa loob na siya ng office." Bungad sa akin ni Missy pagpasok ko sa loob ng building. Ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso na sa office ko.

Ineexpect ko na ang pagdating ni Mama. Nasabi ko kasi sa kanya 'yung tungkol sa bumaril sa akin.

"Hi, Ma." Bati ko kay Mama na kasalukuyang nakaupo sa couch. Tumayo si Mama para humalik sa pisngi ko.

"Okay kana ba, anak?" Tanong sa akin ni Mama.

"Opo. Wala naman 'to e." Nakangiti kong sagot kaya napangiti rin si Mama.

"I know, kaya nga ikaw ang pinagbantay ko kay Yonna e."

Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ko. "Ma, dalawang beses ko na kasing naligtas 'yung buhay ni Yonna. Bakit ba parang lapitin siya ng disgrasya? Tsaka, bakit kailangan ko pa siyang bantayan?" Naguguluhan ko paring tanong.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko sabay huminga ng malalim. "Because, she's in danger. Kaya kailangan ka niya."

"Pero Ma, sino si Norlito Chen?" Panibagong tanong ko.

Natigilan saglit si Mama at napatitig ito sa akin. Pero agad din niyang inayos ang ekspresyon ng mukha niya.

"Hindi ko pa basta masasabi sa'yo ang lahat, anak. Basta lagi mo lang babantayan si Yonna. At kapag natapos na ang lahat ng ito, doon mo na malalaman ang lahat. Tatanawin kong malaking utang na loob sa'yo iyon." Nakangiting sabi ni Mama.

Alam kong may laman ang mga salitang iyon. Pero, naguguluhan lang talaga ako. At kung tadhana man na magkakilala kami para bantayan ko siya, gagawin ko. Mahal ko siya e.

"Kahit pa salagin mo lahat ng balang pwedeng tumama kay Yonna, salagin mo para sa kanya. Ikaw lang ang maaasahan ko e." Dagdag pa niya at yumakap sa akin si Mama.

"I will."

"Nga pala, mag-dinner tayo mamaya nila Yonna. I'll text you the restaurant at sunduin mo nalang si Yonna sa hotel nila. But for now, kailangan ko munang puntahan ang Lolo mo sa Corinthian. See you." Tumayo na siya bago humalik sa pisngi ko.

"Yes, Ma." Sabi ko at tuluyan nang lumabas si Mama ng office.

Hay! Eto na ata ang tadhana koㅡ ang bantayan ang taong nilaan ni Papa God para sa akin. Well, hindi naman mahirap gawin 'yun.

I will do anything just to make my princess be safe. That's the rule! Yeah.

---

Matapos ang napakaraming paperworks na ginawa ko, napagdesisyunan kong umuwi na muna sa condo para mag-refresh.

Syempre, ngayon ko nalang ulit makikita si Yonna matapos n'ung ginawa ni Kara sa kanya. Tss.

Grabe. Napaka-maldita talaga ng babaeng iyon. Hindi ko alam kung bakit niya pa pinagpipilitan ang sarili niya sa akin. Ano bang hindi niya maintindihan sa mga sinabi ko noon? Grabe talaga! Napaka-manhid. Ganon ba ang mga lumaki sa States? Tss. Eh, bakit si Yonna hindi naman? Ambot. Palibhasa kasi, lumaki siyang nakukuha ang gusto niya.

"Oh, anong meron?" Natigilan ako sa pamimili ng susuotin ko nang biglang pumasok si Alvin. Tss.

"Hindi ka ba marunong kumatok, ha?" Angil ko sa kanya.

She's Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon