(17) THREAT

1.6K 29 1
                                    

(17) THREAT
After one week

Nakabalik na kami ni Yonna ng Manila. As usual, balik muli ako sa trabaho. Habang si Yonna naman ay bumalik na rin sa pagvo-volunteer teacher.

Maaga akong umalis ng condo upang sunduin si Yonna sa hotel na tinutuluyan niya.

Nag-doorbell ako at pinagbuksan naman ako ng pinsan niyang si Princess.

"Hi, Ethan." Bati nito sa akin.

"Hi, Princess. Si Yonna?"

"Naliligo pa siya, e. Pasok ka na muna." Sabi nito.

Agad akong pumasok at naupo sa sofa.

"Gusto mo ba ng maiinom? Juice, kape or tubig?" Alok nito.

"Ah, hindi na. Okay lang."

Ngumiti naman ito. Naupo si Princess sa single na sofa at tumingin sa akin.

"Ethan, thank you sa pag-alaga mo sa pinsan ko noong wala ako. Alam ko na rin na kayo na ni Yonna. Okay lang naman sa akin. Salamat na rin kasi kahit papaano ay nakatulong ang pagdala mo sa kanya sa malayo upang makapag-pahinga na rin. Alam mo namang madaming pinagdadaanan ang pinsan ko."

Ngumiti ako sa kanya. "Alam mo, hindi mo naman kailangang magpasalamat, e. Tungkulin ko na protektahan siya. 'Yun ang bilin sa akin ng Nanay ko. At 'wag kang mag-alala, aalagaan ko ng mabuti si Yonna."

"Thank you." Nakangiti nitong tugon.

Matapos ang pag-uusap namin ni Princess, lumabas na rin si Yonna ng kwarto niya.

"Hi," bati nito sa akin.

Tumayo ako at hinalikan sa pisngi si Yonna. Tila namula ata ang pisngi nito sa ginawa ko kaya siya napayuko. ☺️

"Tara na?" Aya ko sa kanya. Agad naman itong sumang-ayon.

Nagpaalam na muna kami kay Princess bago lumabas ng hotel.

Habang lulan kami ng sasakyan, hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa katabi kong magandang babae.

Kahit na ang simple lang ng suot niyang damit, lumilitaw pa rin ang angking kagandahan niya.

"Bakit?" Pansin nito sa akin.

"Wala lang. Ang ganda mo kasi." Sagot ko. Hindi parin napapalis ang ngiti sa labi ko.

Hinampas naman ako ni Yonna sa balikat sabay halakhak. "Bolero!"

"Marunong lang akong mag-basketball, pero hindi ako nambobola." Banat ko. 😎

Natawa naman lalo si Yonna.

"Hinding hindi ako magsasawang titigan ka araw-araw." Sabi ko pa sabay kuha ng kaliwang kamay niya at hinalikan ito.

"Thank you. And I love you." Sambit nito.

Tila ba nanghina ang buong kalamnan ko sa sinabi ni Yonna.

Ang sarap sa pandinig na marinig mula sa kanya ang salitang iyon.

Parang pwede na akong mamatay bukas. Pero syempre, joke lang 'yon. 😂

Nakarating na kami sa lugar na pagtuturuan ni Yonna.

"So paano, love? Maiwan na muna kita. Kailangan ko pang kumayod para sa future natin." Sabi ko.

Natawa naman si Yonna. "Okay. Mag-iingat ka, love."

Humalik muna ako sa labi niya. "See you later, love." Paalam ko. 😍

----

Pagkarating ko sa office, naabutan ko ang mga kaibigan kong si Alvin at Ejay na nakaupo sa couch.

She's Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon