(8) KARIBAL

2.2K 44 1
                                    

(8) KARIBAL

"Yonna, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Bigla namang napangiti si Yonna.

"Hindi ko alam na playboy ka pala." Natatawang sabi niya at nagpatuloy sa pamimili.

Kumunot tuloy ang noo ko. Hindi ba siya naapektuhan sa sinabi ni Kara sa kanya?

Tss! Ibang klase naman ang katapangan ng babaeng 'to. Hindi man lang tumalab sa kanya 'yung kamalditahan ni Kara.

Bakit niya naman kailangang maapektuhan? Wala nga palang kami. 😞

Tumingin naman sa'kin si Yonna na parang kinikilatis ako. Tsk! Masama 'to.

"Sabagay. Gwapo ka nga naman kasi kaya halata rin ang pagiging playboy mo." Ngumiti pa siya at dumiretso na sa cashier.

Napakamot nalang ako sa ulo. Hay!

Hindi na kaya ako Playboy. Goodboy na po ako. 😔🙏

Kakamot-kamot ang ulong sumunod ako sa kanya. Medyo mahaba ang pila sa napili naming counter.

"Yonna," tumingin naman siya sa'kin habang naka-lip bite. Ooh. 🤤

Naknampucha! Bakit niya ba ginagawa 'yung mga ganyan? Natetemp tuloy akong halikan siya. Hay.

Pinilit kong iwaglit sa isip ko 'yung masamang binabalak ko sa kanya.

"Yung kanina sa fruit section, pasensya na, ha? Promise, hindi na mauulit talaga 'yun." Sabi ko at tinaas pa ang dalawang kamay bilang tanda ng aking pangako. Ngumiti naman siya sa'kin.

Kainis naman. Bakit ba panay ang ngiti niya? Hindi niya ba alam na 'yang mga ngiti ang lalong nagpapahulog ng loob ko sa kanya? Sana alam niya 'yon para mahulog din siya sa akin. ☹️💕

"Wala 'yun. Mahal na mahal ka lang talaga niya siguro kaya nagawa niya 'yun. Kahit sino naman sigurong babae gagawin 'yun kapag nakita nilang may kasamang ibang babae ang boyfriend nila." Depensa nito.

"Pero wala na kami. At hindi ko rin naman siya minahal, eh. Oo, playboy nga ako, pero hindi na ngayon. Nagbago na ko."

Mula ng makilala kita.

Tinitigan niya ako sabay bumunghalit ng tawa.

Pinagtritripan niya ba ako? 😒

"Ano ka ba, ayos lang 'yon. Hindi mo kailangang magpaliwanag." Sabi pa nito sabay tapik sa balikat.

Nagkibit-balikat nalang ako at hindi na sumagot pa. Kami na kasi susunod na pila.

----

Pagkatapos naming mag-grocery, inaya ko munang kumain si Yonna bago ko siya ihatid sa hotel nila.

Tinanggihan niya pa nga ako, pero napapayag ko rin siya dahil libre ko naman. 😃

Tahimik lang kami habang kumakain. Nakaka-boring ang ganito. Kailangan makaisip agad ako ng topic!

Sa pagkakaalam ko kasi, madali raw ma-turn off ang mga babae sa lalaking boring kasama.

So, kailangang maging jolly ako parati kapag kasama ko si Yonna. 😀

"Nasaan na nga pala ang boyfriend mo?" Pagbubukas ko ng topic.

Ayoko sanang itanong ang tungkol sa boyfriend niya, pero naco-corious lang ako dahil parang ang tagal ng hindi nagpaparamdam ng boyfriend niya sa kanya. 🤔

She's Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon