(9) EKSENADORA

1.7K 43 1
                                    

(9) EKSENADORA

Author's Note;

Pakinggan niyo po 'yung kantang Chasing Cars by Snow Patrol habang binabasa niyo ang chapter na ito. Makakadagdag 'to sa pag-iimagine niyo sa scene. :)

---

Pagdating namin sa bar ni Fred, pinark ko muna ang kotse at inalalayan siya sa pagbaba.

"Parang pamilyar sa'kin ang bar na 'to?" Tanong ni Yonna habang papasok kami sa loob at pinagmamasdan ang Bar.

"Si Fred ang may-ari ng bar na 'to. At syempre, dito rin kita niligtas." Sabi ko sa may nakakalokong ngiti. Hehe. Tumawa nalang ng mahina si Yonna.

Tumungo kami sa second floor kung saan naroon ang vip room. Doon din ginaganap ang mga birthdays ng ibang malalapit na kaibigan namin.

Pagpasok namin sa loob, dumiretso kami sa kinatatayuan ng tatlo.

"Mga pre.." Tawag ko sa kanila at nakipag-hand gesture.

"Hoy! Kupal ka talaga Ethan Sebastian. Di mo man lang sinabi sa'min na may lakad ka pala. 'Yan tuloy, biglaan na paparty nalang ang ginawa ko. Balak ko pa naman sanang yayain kayo na mag-out of town, kaso wala ka naman, eh. Tsk!" Medyo may pagtatampo sa boses ni Alvin.

"Asus! Ang tampuhin naman nitong Bestfriend ko. Sorry na.. Nandito naman na ko eh." Lambing ko sa kanya habang pini-PDA siya.

(PDA: Paglambing na Di Awkward.)

"Teka nga, sino ba 'tong chicks na kasama mo? Tsaka, bakit may sugat sa mukha mo?" Singit ni Ejay habang papalit-palit ang tingin niya sa amin ni Yonna.

"Ah, wala 'to! May nangyari lang kasi. Si Yonna nga pala mga pre."

"Ha? Si Yonna ba 'yan? Akala ko kung sinong magandang anghel eh. Hehe." Ani ulit ni Ejay.

"Oo siya nga, kaya magpakilala kayo ng maayos sa kanya."

"Hi, ako nga pala si Fred James Francisco. Ako ang may-ari ng bar na 'to. Nice meeting you, Yonna." Una nang nagpakilala si Fred at inilahad pa ang kamay. Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Yonna.

"Ako naman si Alvin Moses. Ako 'yung may birthday."

"Happy birthday!" Bati naman sa kanya ni Yonna.

"Hello. Ejay Espiritu nga pala. Ako 'yung pinaka-gwapo sa kanila. ^_^" Napataas ang kilay namin sa biglang banat ni Ejay.

"Hehe. Tama na nga! Mag-celebrate na tayo. Wooh!" Bawi naman ni Ejay.

Nagtungo kami ni Yonna sa isang bakanteng mesa. Agad ding may nag-serve ng drinks sa'min.

"Hi, Ethan. I miss you!" Bigla namang lumapit sa'kin si Monique at hinalikan ako sa labi.

Shock ang naging reaksyon ko kaya hindi ako agad nakapag-react.

Nang mabalik ako sa realidad, napatingin agad ako kay Yonna na halatang gulat rin sa ginawa sa'kin ni Monique. Agad kong nilayo si Monique.

"Ano bang ginagawa mo?!" Pigil ang inis ko habang tinatanong siya.

"Bakit? Masama bang halikan ka? Tss. Namiss lang talaga kita, Ethan!" Sagot niya. Amoy alak narin siya kaya siguro nagawa niya akong halikan. Ganun din naman siya n'ung first meet namin eh. Tss!

"Kung namiss mo ko, pwede mo naman akong yakapin o, halikan sa pisngi eh. Pero 'yung halikan sa labi sa harap ng maraming tao? Tss. Hindi naman tayo para gawin mo 'yun eh. Act your age, Monique."

"Fine! If that's what you want. I'm sorry!" Inis na sabi niya habang nakataas pa ang dalawang kamay. Bumalik narin siya sa pwesto niya kasama sina Thea at Hannah.

She's Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon