(7) PLAYBOY
Maganda ang gising ko ngayon kahit pa madaling araw na akong nakauwi dahil sa matagal na kwentuhan namin ni Yonna. 🙌
Sana nga ay araw-araw ko siyang makita para laging maganda ang gising ko. 😍
Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad sa hallway ng building at masayang binabati ng good morning ang mga empleyado.
"Good morning, sir." Bati sa'kin ni Missy at sinabayan ako sa paglalakad.
"Good morning din, Missy." Bati ko rin sa kanya.
"Sir, may meeting po kayo mamayang 3:30 with Mr. Navarro ng Navarro Industrial."
"Ok." Masayang sagot ko sa kanya.
Halos lahat ng mga empleyado ng kompanya ay takang-taka sa inaasal ko ngayon. Pero wala na akong pakialam sa kanila. Masaya ako, eh. 😃
Pumasok ako sa opisina ko at naabutan ko ang tatlo kong bestfriends na masayang nag-uusap.
"Oh, anong meron?" Tanong ko sa kanila at dumiretso ako sa table ko.
"Bakit nga pala madaling araw ka ng nakauwi sa condo? Saan ka nanggaling, aber?" Tanong ni Alvin.
"Tsaka, bakit bigla kang nawala sa bar." Dagdag pa ni Ejay.
"Chill mga, pre." Sabi ko habang nginingitian sila. Good mood ako, eh.
"Bakit mukhang masaya ka ata?" Tanong naman ni Fred.
Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang mga tanong nila.
Kasi, ganito 'yun.."
Tapos ay kwinento ko sa kanila ang pagligtas ko kay Yonna tsaka kung paano ko siya napapayag. Sinabi ko rin sa kanila 'yung pagpunta ko sa tinutuluyan ni Yonna, at ang panonood namin ng 50 First Dates.
"Pre, kailan ka pa natutong manood ng mga lovestories?" Pang-asar na tanong sa'kin ni Alvin.
"Alvin, ganyan talaga kapag inlove. Kahit ano nalang ay ginagawa sa ngalan ng pag-ibig." Tudyo pa ni Ejay.
"Kung batukan ko kaya kayong dalawa? Eh, sa wala na akong nagawa dahil 'yun ang hilig niyang panoorin. Alangan namang mag-inarte pa ako. Nakikinood na nga lang ako, eh." Parang hindi naman kumbinsido 'yung dalawa sa sinabi ko.
"Pero alam mo, nabilib talaga ako sa ginawa mong pagligtas kay Yonna. Para ka nga talagang knight in shining armor. Basta basta ka nalang dumarating, eh." Natatawang sabi ni Fred at nakitawa rin 'yung dalawa.
Mga taeng 'to! Ang lalakas mang-asar. Sinisira nila 'yung pagiging good mood ko. 👊
"Isa ka pa Fred, eh! Masama bang tumulong sa kapwa? Sige nga, kapag nakakita ba kayo ng babaeng sinasaktan ng lalaki, titingnan niyo lang?" Umiling naman 'yung tatlo. "Oh, kita niyo na? Natural lang na maging Gentleman ako sa kanya. Syempre, hindi ko naman hahayaan na may mangyaring masama sa kanya. Konsensya ko pa kung mapano siya."
"Syempre naman. Si Yonna kaya 'yun. Pero kung ibang babae, baka hindi." Banat pa ni Alvin at mas lalong lumakas ang tawanan nila.
Hanggang sa paglabas ng opisina ko ay tuloy parin ang tawanan nila at pang-aasar sa akin.
Hay, nako! Palibhasa kasi ay walang mga lovelife. 🤦🏻♂️
Ilang minuto lang ay muling bumakas ang pintuan ko.
"Ano na namang nakㅡ Kara?" Napahinto ako sa pag-aakalang sina Alvin ulit ang pumasok.
Lumapit sa'kin si Kara at yumapos sa katawan ko at mariing hinalikan ako sa labi.
BINABASA MO ANG
She's Mine!
Romance"Basta! Kahit na anong mangyari, SHE'S MINE!" - Ethan Sebastian.