(14) CHEATER DRAKE
Nakarating na kami sa restaurant na pagkikitaan namin kay Mama. Pinarada ko muna ang sasakyan ko sa Parking Lot bago tuluyang alalayan si Yonna pagbaba ng kotse.
"Salamat," nakangiting tugon niya.
"You're always welcome–" Sagot ko naman na may kasama ring ngiti. Gusto ko sanang dagdagan ng Mylabs, kaso, baka irapan niya ko. Hay!
Sabay kaming pumasok sa loob ni Yonna. Agad din naming nakita ang kinauupuan ni Mama.
"Hi, Ma." Bati ko.
"Hello, Tita Claudia. It's nice to see you again!" Sabik na bati ni Yonna kay Mama. Napayakap pa ito ng mahigpit.
I can't help not to smile. Sino ba naman ang hindi? Bukod sa ang ganda niya na, hindi pa siya mahirap mahalin. Sana lang, ganun din siya sa'kin.
"Take a sit, guys." Utos ni Mama matapos silang magkamustahan ni Yonna. "No need to order. Nagpa-reserve na ako ng makakain natin." Dagdag niya at tumawag ng waiter.
Ilang saglit lang ay dumating na ang mga pagkaing pinahanda ni Mama. Nag-umpisa na kamin kumain habang nagkwekwentuhan.
"So, how's your vacation here in the Philippines, Yonna?" Tanong ni Mama kay Yonna habang nags-slice ng steak.
"Tita, parang mas gusto ko ng tumira dito kaysa sa Cali. Sobrang saya dito. I love the places here. Lalo na yung pagtuturo ko sa mga bata. I really love it! Ibang-iba sa States." Masayang sagot ni Yonna.
Halatang masaya talaga siya sa pagtira dito sa Pilipinas. Kahit pa maraming nangyari nitong mga nakaraang araw.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti habang nakatitig sa kanya.
Bigla naman itong lumingon kaya napaiwas ako. Ay! Muntik na 'ko dun, ah.
"That's good to know, iha." Sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ni Yonna.
Pagdaka'y bigla namang nag-ring ang telepeno ni Mama.
"Guys, I just need to answer this call." Paalam ni Mama at lumabas muna ng Restaurant.
Paglabas ni Mama, tahimik lang kaming kumakain ni Yonna.
Gusto ko sanang i-open 'yung topic namin kanina bago kami magpunta rito. Kaso, baka ayaw niya ng pag-usapan namin 'yon.
Ano ba naman 'to! Natotorpe na naman ako. Hayst! Ethan, be a man! Kausapin mo si Yonna.
Ethan Moves 101: Huwag niyong hayaang walang nagsasalita sa inyong dalawa. Make a move, bro! Mas gusto ng babae ang pala-kwentong lalaki. Mas may chance kang maka-damoves sa kanya.
"Yonna," umpisa ko.
Lumingon naman sa akin si Yonna habang ngumunguya pa. Napatitig ako sa labi niya. May sauce kasi sa gilid.
"May dumi sa labi mo." Ilalapit ko na sana ang kamay ko para punasan ito, pero naunahan niya ko. Ay.
"Sorry." Agad na sabi niya sabay pinunasan ng tissue ang buong labi.
Sa totoo lang, kinakabahan ako. Ewan. Ngayon ko lang naradaman 'to. Parang timang 'tong puso ko, e.
Hindi ko na tuloy masabi sa kanya 'yung sasabihin ko.
"May sasabihin ka ba?" Tanong niya. Umiling nalang ako kahit meron naman talaga. Napatango nalang siya.
Dumating na rin agad si Mama at nagpaalam na sa amin.
"Ethan, I need to go to Cebu. Your Lolo needs me. Ikaw ng bahala kay Yonna." Paalala nito. Nilipat niya ang tingin kay Yonna. "Yonna, take care!" Sabi pa niya at nagpaalam na sa amin.
BINABASA MO ANG
She's Mine!
Romance"Basta! Kahit na anong mangyari, SHE'S MINE!" - Ethan Sebastian.