Chapter 20
"Hi, Ethan." Bati niya sa'kin. Pilit kong inaalala kung saan ko nakilala ang babaeng 'to. Maganda naman siya. Pero di ko alam kung saan ba e. Di naman siya isa sa mga naging ex ko. Tsk!
Nakangiti parin siya at parang nag-aantay lang sa feedback ko. Pero ayoko namang magsinungaling sa kanya na magkakilala kami. Tss.
"M-miss, sorry pero di kita matandaan eh." Sabi ko habang nangangamot ng ulo.
"Ganun ba? I'm Naomi. Naomi Santillan. Kilala mo na siguro?"
Kumunot 'yung noo ko. Teka, parang kilala ko 'yung Naomi Santillan?! Wait lang.
Processing..
1
2
3
4
5..
O____O
"N-naomi?!" Gulat na tanong ko sa kanya. Tumango-tango naman siya habang nakangiti. OMG! Ang laki ng pinagbago niya.
Napayakap ako sa kanya bigla at nagtinginan sa'min 'yung mga tao. Sorry! Di ko mapigilan e. Namiss ko lang siya. :D
"K-kamusta ka na?" Tanong ko ulit at giniya siya upang maupo sa couch. Tumabi naman ako sa kanya.
"Ayos naman. Ikaw, parang bigtime kana pardz, ah?" Tanong niya naman habang ginagala ang mata sa buong paligid ng kompanya ko.
Pardz. 'Yan ang tawagan namin dati. Childhood bestfriend ko si Naomi. Para kasi siyang tomboy dati, kaya Pardz ang tinawag ko. Hanggang sa makasanayan na namin. Hindi ko alam na magtuturn-out siya bilang isang magandang babae.
Noon kasi, ang itim niya dahil mahilig siyang maglaro ng basketball. Daig pa nga ako eh. Pero ngayon, chix na chix na ang dating niya. Mahilig din siyang manamit ng panglalaki. Palibhasa, puro lalaki ang kuya niya na kadalasan kalaro ko sa basketball. Ang hilig makisali sa'min, kaya naging Bestfriends kami. Grade 6 kami nang mag-migrate sila sa Canada nang buong pamilya niya.
"Bakit naman napauwi ka? 'Di ba, ayos naman ang pamumuhay niyo sa Canada? Tsaka, sikat na Interior Designer kana dun."
Sabi niya sa'kin nung mga bata kami, Criminology daw kasi ang gusto niyang course. Pero nung nakita ko sa fb last year, puro designs sa loob nang mga bahay ang nakapost palagi sa timeline niya. Tss. Nagpakababae na talaga 'tong si Pardz. Ang hot ng dating e. :D
"Dito ko kasi gustong ituloy 'yung Profession ko sa Canada. Gusto ko kasing mashare sa mga kababayan ko 'yung mga ideas na naiisip ko." She said while smiling. "Tsaka, balak ko rin na magpatayo ng bahay dito. At gusto ko ang company mo ang mag-assist sa dream house ko. I heard, sobrang galing daw ng mga empleyado mo dito." Dagdag pa niya.
Parang nag-blush naman ako sa sinabi niya kaya napayuko ako. :">
BINABASA MO ANG
She's Mine!
Romance"Basta! Kahit na anong mangyari, SHE'S MINE!" - Ethan Sebastian.