Untold Horror Stories--2
By: jhaysongOsme
Hiluhilu..
Musta na ??
Long time no read aa.. XD
Eto na ang ilan pang istoryang tampok
Sa UNTOLD HORROR STORIES...
Maraming salamat sa naka-appreciate ng mga gawa kong may mga typograhical errors..
Kaway kaway lang sa jograt na si HAZEL DY
(Capslock daw para intense hahaha)
Salamat sa pagbabasa mo.
At pag text sakin..
Kabilang ka na sa kampon ng mga jograts !
Abangan mo nalang ang story mo..
Hahahaha
Untold Horror Stories--2
By: jhaysongOsme
Kabanata 1: MANIKA(Part1/2)
---------------
Isa sa mga kadalasang ibinibigay ng mga magulang, sa kani-kanilang mga anak ay ang laruan.
Partikular ang manika, para sa mga batang babae.
Pero.. Ano nga ba ang tunay na kahulugan o ang kaugnayan ng manika sa istoryang ating bibigyang buhay.
Tampok ang isa na namang istorya na nabanggit sa akin ng aking kamag-aral noong ako'y nag-aaral bilang isang sekondarya.
Maaaring maniwala ka, maaaring hindi.
Maaaring may katugmang kwento, dahil na rin sa aking pagdaragdag ng mga ilan pang kaganapan para mas palawakin pa ang naturang kwento.
Ngunit gayon pa man, nais kong ibahagi sa inyo ang kwentong ito.
---------------------------------------------------------------------------
(Valeen's POV)
Paborito ko ang mga manika.
Sa katunayan nga, nung bata pa ako, e madalas ko silang bihisan at gawing parang tao.
Pero, syempre pag naging matured ka na, mababawasan na ang paglalaro mo.
Tinabi ko lahat ng manikang binigay sa akin ni papa noong bata pa ko.
Mga sampung taon na nga itong naka-imbak e.
Muli ko lang tong ginalaw, ng dumating ang pinsan ko, galing sa probinsya ng capiz.
---------------
"O tiya, kamusta po ?"--panimulang bati ko kay tiya mercy na kadarating lang ng bahay.
"Mabuti naman iha. Ikaw ?? Dalagang-dalaga ka na aa. Parang kailan lang e, nagtatatatakbo ka pa dito sa loob... Hayyyy.. Pag nakikita kita, lalong pumapasok sa akin na talagang matanda na ko."-- tita
"Tita naman. Di naman halata sayo no! Kahit na may kulubot ka na sa mukha, e maganda ka padin. Remember.. Ikaw si Mercy Ilagan. Ang Reyna Elena noong Kapanahunan!"-- Ako
"Hahahaha. Loko ka talaga Valeen. O sandali lang at magbabanyo muna ko ha."-- tiya na umalis na din.
Naiwan sa akin ang pamangkin ko.
Di sya tunay na anak ni tiya mercy.
Dahil katulad ng pinag-usapan namin e, may katandaan na sya at di na pwedeng magka-anak pa.
BINABASA MO ANG
Untold Horror Stories--2
HorreurNarito ang ilan pang kwento na tampok.. mga karanasang hindi nila inaasahan, ngunit naging parte ng kani-kanilang buhay.... kwentong katatakutang bubulabog sa inyong imahinasyon... Untold Horror Stories by: jhaysongOsme