Kabanata 15: CAMPING (Part 1/2)

34 2 0
                                    



Untold Horror Stories--2

By:jhaysongOsme

Anong pakiramdam ng matulog kasama ang barkada ?

Ang magpuyat dahil sa kwentong bagamat nakatatakot ay kapanapanabik.

Mga gawain na susukat sa kakayahan mong mapag-isa.

Heto ang isa sa mga kwentong aking personal na naisip.

Masasabi mo pa bang masaya ang camping, kung maranasan mo ang mga kahindikhindik na katatakutan ?

Atin pang himayin ang nakapaloob sa istoryang ito.

Kabanata 15: CAMPING (Part 1/2)

(Cyril's POV)

"We will be having our campus camping"

Salitang pinakananabikan ko.

Buti naman at bago kami grumaduate ay makararanas kami nito ...

Hayyss.. Sounds exciting diba ?

May camping kami.

Ansaya talaga.. Eto na. Eto na ang pinapangarap ko.

Ang makalayo ng panandalian sa napaka ingay kong pamilya.

Ang makatulog ng mahimbing ng walang kung ano mang mura ang maririnig.

"O Cy(say), ansaya mo ata anyare ?"-- tanong ng pinaka maitim kong kaibigang si Jovy

"Pre ano ka ba...... May camping tayo next weekkkkk... Camping to pre. Ibig sabihin.. Chickas.. Uulan ng maraming sexy at yummy sweety legs baby pre."--ako na pabirong sumagot

"Gago. Napakalibog mong hayop ka. Kung babae ka lang, malamang sa malamang, naka dalawang dosena ka ng anak."--Jovy

"Hahaha. Gago, ano ako baboy ? Syempre.. Sa tikas ko ba namang ito, sa tindig at tibay nitong muscles ko, sino ba naman ang magre-reject sa kagwapuhan ko diba ?"-- Ako

"Wuuuuu.. Ang lakas ng hangin pre.. Ikaw mucho ?? E kulang nalang gawin kitang kulay pink, at ikaw na si majimbo e. Hahahaha.. Lakas mangarap amputa. Teka nga at may sasabihin pa si sir Jograt"-- jovy

--///////--

"Dahil tapos na sa pagre-react ang lahat, I will continue what I am talking about.

We will be having our campus retreat, pero since na may isyu pa ang university natin dahil sa pagkamatay ng mga Educ. Students sa main due to the field trip, dito lang tayo sa loob ng campus magka-camping. Bring your own needs, flashlights and other source of light. I want to inform you that any gadget you have will be collected and it will return 3-4 hours per day. That's all class dismiss."-- Sir Jograt

Sobrang nadismaya ang lahat, kabilang na ako.

Akala ko pa naman ay matutuloy ang Camping sa Zambales.

Ano ba yan ! Kakabwiset talaga tong school na to. Ano naman kayang mahihita namin dito, e bukod sa maliit e wala pang masyadong space.

Take note. Dagdag pa ang kagubatan at dagat ng mga basura na nagkalat sa loob ng campus.

Pagkatapos ng Friday Class namin, e dumaan muna kaming magkakabarkada para bumili ng chips and other food na dadalhin namin bukas.

Kahit na cheap ang camping, pwede na ring pagtyagaan.

No choice e.

"Jov.. Ikaw muna magtago nyang binili ko, panigurado pati plastic nyan kukupas, sa tindi ng kamandag ng mga laway ng mga kasama ko sa bahay."--ako

Untold Horror Stories--2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon