Kabanata 13: WANTED YAYA (Part 2/2)

33 2 0
                                    


Untold Horror Stories--2

Kabanata 12: WANTED YAYA (Part 2/2)

(Yaya Maning's POV)

-

Nakita ko si Ace, nasa itaas ng kama, takot na takot na niyayakap ang sarili habang umiiyak.

Tinanong ko sya kung bakit sya umiiyak, gayong wala naman akong makitang dahilan.

"Ya...yaya.. Nandito sya... Nandito sila manang.."--Ace

Tinuro nya ang isang madilim na parte ng kanyang kwarto.

Dalawang tila tao ang makikita sa bahaging iyon, na sa pagkurap ng aking mga mata ay dali-daling nawala.

Natakot ako.

Di ko alam ang susunod kong gagawin dahil sa kaba na bumabalot sa akin.

Naramdaman ko na lamang ang mahigpit na yakap ng alaga ko sa akin.

Umiiyak at talagang humahagulgol sa takot.

--///////--

Napansin ko na lamang na nasa labas na kami ng kwarto.

Si ace pala ang humila sa akin sa palabas.

Mag a-alas dos na ng tuluyang makatulog si Ace.

Doon sya sa kwarto ko natulog, dahil ayaw nyang iwanan ko syang mag-isa.

Habang pinagmamasdan ang maamo nyang mukha, ay napansin kong tumutulo ang luha nya.

Umiiyak sya, habang sinasambit ang mga katagang...

"Nay... Nasan ka ?? Iiwan mo ba kong uli ? Nayyy... Bumalik ka.... Bumalik ka nayyyy..."

Kaparehong-kapareho iyon ng narinig ko sa hagdan kanina.

Di ko na iyon pinalaki pa, dahil alam kong di iyon makatutulong upang matanggal ang takot ko.

Tumabi na ako sa kanya, at nagsimulang matulog.

Masyado ng malalim ang gabi, para sa mga ganitong bagay.

--//////--

Kinabukasan ay sinabi ko ang nakita't narinig sa mag-asawa.

Di naman sila nabigla, dahil normal lang daw na reklamo ito ng mga naging kasambahay nila lalo na tuwing aalis ang dalawa.

"Manang... Paki asikaso nalang si Ace para sa amin ha. Ikaw lang ang may kayang mag-alaga sa kanya. Pahinga lang kami sa kwarto."--Diego

Pagkatapos ng maikling pag-uusap ay umakyat na ito sa hagdan.

Napagtanto kong di ko pa nakikitang magkakasama ang tatlo(Ema, Diego at Ace).

Sa tuwing umaga e nagkukulong si Ace sa kwarto, at tulog naman ang mag-asawa.

Sa gabi e wala naman sila, at pahirapang papasukin sa loob ang bata.

Marahil e di malapit ang loob ng batang iyon sa mga magulang nya, dahil narin siguro sa trabaho ng mag-asawa.

*toktoktok*

"Ace iho, uuwi muna si yaya Maning ha. Hinahanap na kasi ako ng kuya jose mo. Kelangan ko muna syang asikasuhin. Babalik ako mamayang hapon. O sya't mauna na ako iho."--Ako

Pababa na ko ng hagdan, ng bumukas ang pinto.

"Yaya.. Pu-pwede bang sa inyo tayo matulog mamayang gabi ? Natatakot na ko dito. Ayaw ko na.. Ayoko na muli pa silang makita.."--ace

Untold Horror Stories--2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon