Untold Horror Stories--2
By: jhaysongOsme
This is the continuation of kabanata 1: Manika.
I do hope na sana magustuhan nio.
Some of the scenes are maybe already familiar to you, but I assure that I will put a twist in this story.
(Tama ba si grammar ?? Hahaha)
Please do vote and Read my stories
Comment narin po kayo, if gusto nyong magamit ang neym or self experiences nyo sa book na ito.
Bumisi kasi ako kababasa ng gawa ni....*******
Ganda ng gawa.. Shettsss panis talaga ko.. XDD
Ok.. Let's start this story..
Kabanata 2: MANIKA (Part 2/2)
(Valeen's POV)
Simula ng umalis sina Bebe at tiya Mercy, ay nagsimula ng tumindi ang nakatatakot na karanasan ko.
Nariyan yung pagpupunta ako ng banyo, ay tila ba may tao, dahil kusang bubukas ang pinto di pa man ako nakahahawak sa doorknob nito.
--///////--
Isang gabi.. Katatapos ko lang kumain, ng mapagpasyahan kong manuod muna ng tv sa sala.
Wala naman akong naramdamang iba bukod sa malamig na hangin na banayad ang pagdampi sa akin.
Sa likod ng tv ay makikita ang bukas na bintana.
Nakabukas iyon, para makita ang sinumang tao na pupunta sa bahay.
Tulog na si Mama, dahil masama ang pakiramdam.
Mga bandang alas dyis na, ng tumayo ako't naglakad patungo sa kwarto.
Pasara na ko ng pinto, ng may nakita akong tao.
Isang batang babae ang nakasulyap, di kalayuan sa bintana..
Nagkatinginan pa kami ng matagal..
Maya-maya pa'y mababakas dito ang ngiti sa kanyang labi na tila ba bumabati ng magandang gabi hazel.
"Ate... Ako to.... Si bebe.. Papasukin mo ko ate"-- tinig ng bata, na napagtanto ko ngang sya ang pinsan ko.
Agad kong tinanggal ang locks ng pinto, at mabilis na inikot ang doorknob.
Pagbukas ko........
Ay isang paa ang sumambulat sa akin na tinamaan pa ang ilong ko.
Di ko alam kung bakit ko ito sinundan ng tingin.
...........
Si tiya Mercy.
Nakabigti at tila pinahirapan muna bago isinabit..
Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hanggang sa may dumating na dalawang babae..
Si Mildred...... Karga karga si bebe habang hawak ang isang manika..
Ang manikang iyon, ay pamilyar sa akin.
Si princess..... Ang manika ko..
Akma akong tatakbo papunta sa kwarto ni mama ng makita kong nakaupo na sila sa sala.. Nakangiti, duguan at walang mga mata....
Gumapang ang sangkaterbang kuryente sa katawan ko na tila di ako makagalaw, maliban sa panginginig ng kalamnan ko.
Tanging pag-iyak nalang ang kaya kong gawin.
BINABASA MO ANG
Untold Horror Stories--2
HorrorNarito ang ilan pang kwento na tampok.. mga karanasang hindi nila inaasahan, ngunit naging parte ng kani-kanilang buhay.... kwentong katatakutang bubulabog sa inyong imahinasyon... Untold Horror Stories by: jhaysongOsme