Bonus Story
By: JhaysongOsme
Bonus Story 4: Silong
Kaway kaway muli sa inyong lahat...
Botohan na naman... DAPAT TAMA !
--- naka Shortcut to, nakakatamad gumawa, pag naghahabol ng mga documentations.
(Danica's POV)
Buwan ng agosto ng mangyari ang karanasan kong ito.
Marahil ay simple, ngunit nagpatindig ng aking balahibo.
Ako si Danica Hermosa, isang estudyante sa BulSU, noong mga panahong isinasagawa pa lamang ang mga pasilidad dito.
Bagong-bago't talagang maganda.
Isang napakalakas na ulan ang bumungad, paglabas ko ng pinto ng aming silid-aralan.
Baha, at talagang naglalawa ang ibabang bahagi ng building kung saan ako naroroon.
Wala akong payong.
Wala padin akong kaibigan, dahil transferee lang ako mula sa BSU-main campus.
Bumababa ako ng hagdan, na di inaalala ang posibleng kahinatnan ng aking tangkang pag-uwi.
Sa aking pagbaba, ay mas lalo pang tumindi ang ihip ng hangin, at ang lagabag ng nagwawalang ulan.
Malamig, at talagang nakabibingi.
Inabot na ako ng alas singko ng hapon, habang pinatitila ang malakas na ulan.
Nangamba akong di na makauuwi.
Nagsimulang magtipon-tipon ang luha sa aking mga mata, ng may magsalitang lalaki sa aking tabi.
"Nag-iisa ka ba ? Halika't ihahatid kita sa sakayan"--anya ng lalaking nakapolo ng kulay berde.
May kadumihan, at kalumaan na iyon, na inakala kong isa siyang trabahador sa ginagawa pang building two.
"Si--sige, salamat"--tangi kong sagot sa kanyang paanyaya.
Hindi na ako nag-alinlangang pumayag, dahil mukha itong mabait at mapagkakatiwalaan.
Habang naglalakad, napansin kong tila di siya nababasa, samantalang ako nama'y pwede ng pigaan bagamat nasa akin nakatapat ang malaking bahagi ng payong na hawak ko.
Ako na ang humawak ng payong, dahil dala-dala nito ang mga mabibigat kong gamit na hirap akong madala.
Lumabas kami ng gate, na pilit na iniiwasang mabasa ng husto.
May kadiliman na ng bagtasin namin ang daan patungo sa paradahan ng sasakyan.
"Anong ginagawa mo sa BSU kanina ? Estudyante ka ba dun ?"-- tanong ko, upang basagin ang katahimikan.
"Hindi. Dun ako nakatira. Dun sa ginagawang establisyimento ng ilang kalalakihan"--sagot nya sa akin.
Naguguluhan ako sa sagot nyang ito, kung kayat tinangka kong muli syang tanungin.
Pero di ito nagtuloy, dahil sa di ko namalayang narating na namin ang paradahan.
Naroon pa ang ilan kong kamag-aral. Nakatingin na tila ba nagtataka.
"Salamat......"--salita ko sa kanya na tonong tinatanong ang kaniyang pangalan.
"Hugo"--sagot nya.
"Salamat hugo. Sa uulitin ^__^"--isang ngiti ang ibinigay ko sa kaniya, na noo'y nagsimula ng bumalik sa kaniyang pinanggalingan.
Muling pumasok sa isip ko ang sinabi nya kanina.
BINABASA MO ANG
Untold Horror Stories--2
HorrorNarito ang ilan pang kwento na tampok.. mga karanasang hindi nila inaasahan, ngunit naging parte ng kani-kanilang buhay.... kwentong katatakutang bubulabog sa inyong imahinasyon... Untold Horror Stories by: jhaysongOsme