Bonus Story 1: Fitting Room

88 3 0
                                    


Bonus Story 1: Fitting Room

(Monica's POV)

------

A/N:

Olryt.. As requested by Mr. Gabby Mergildo...

Fisrt Self story of Bsu..

-wag seryosohin ang mga pangalang mababanggit. Pero malay nyo... Totoo pala ang pangyayaring mababasa nyo...

Ingat sa paggamit ng banyo. Lalo na sa may klase ng 4-7/5-8.. Hahaha..

Para sa mga may wattpad Account, pa follow naman ohh...(Nagmamaka-awa ako !! XD)

JhaysongOsme, pakisearch nalang..

Salamatsss..

------

Tandang-tanda ko pa ang pangyayaring iyon.

Sa dalawang taon kong pamamalagi sa Bsu ay ngayon ko lang naranasang makakita ng multo.

Ako si Monica, isang Education Student na nasa ikalawang taon na.

May klaseng panggabi sa ikatlong palapag ng second building.

Abala ang lahat sa gagawing presentation para sa filipino.

May stage play kami.

Nahuli ako ng pasok, dahil bukod sa alas kwatro ang klase, ay wala pa akong kasabay na estudyanteng papasok din.

4:32 na ng hapon ng makarating ako.

Ubos hininga akong tumakbo para maka-abot sa klase.

Ng nasa social hall na ako, ay tapos na ang unang grupo.

Nakabihis narin ang mga kagrupo ko na handa na dahil malapit na din kami.

"O.. Monic.. Magbihis ka na ! Ikaw pa naman ang nasa harapan !"-- sigaw sa akin ni Bea ng makita akong nanonood habang nakatayo sa pinto.

"O--osige.. Samahan mo naman ako !"--pag-aaya ko sa kanya

"Ano ba yan !! Ikaw na kaya mo na yan !"--inis na tugon nito.

Inintindi ko na lang sya.

Brokenhearted kasi ang gaga.

Hahahaha..

Tumakbo ako pababa.

Sa kaliwang bahagi ako ng pasilyo dumaan.

Sinubukan kong buksan ang banyo ng ikatlong palapag. Nakasara ito.

Bumaba ako ng ikalawang palapag, pero nakakandado din ito.

Kailangang-kailangan ko ng makapag bihis kaya bumaba akong muli.

Habang pababa ng unang palapag, ay napansin kong may babaeng may hawak na damit, na pumasok sa bakanteng banyo ng mga lalaki.

Gabi na rin naman iyon.

Nilingon-lingon ko ang paligid at siniguradong walang tao o estudyante ang makakikita sa akin na papasok sa banyo.

Inakala kong kaklase ko iyon, dahil may hawak din itong damit, na syang kapareha ng susuutin ko.

Tinanggal ko ang iba pang nakaharang sa daan, para di ako matalisod.

*ENGGGKKKK*

Tinulak ko ang pinto.

Sumambulat ang hangin na napakalamig.

May kadiliman ang paligid, dahil sa sinag ng ilaw na malapit ng mapundi.

Untold Horror Stories--2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon