Untold Horror Stories--2
By: jhaysongOsme
Kabanata 10: ROOM #7 (Part 2/2)
(Johnrey's POV)
--BalikTanaw--
*BLAGGG*
Isang may kalakasang paglagabag ang nasagap ng aking tenga, sa kalagitnaan ng tahimik na gabi.
Kinabahan ako.
Dito ko na hindi napigilang mag-imagine ng kung anu-anong bagay.
Yung pakiramdam ko ay nasa isa akong pelikula na anumang oras e may bubulaga sa aking zombie.
Yung may hihila ng paa ko mula sa ilalim ng kama kung saan ako nakatayo.
Yung may kung ano na lalabas mula sa bukas na banyo, at yung mamatay ang ilaw at pagbukas e naroon na ang isang multo.
Bagamat air conditioned ang kwarto e pinagpapawisan ako.
Pigil hininga akong pumikit, lumuhod habang nagdarasal na sana wala akong makita sa ilalim ng kama na kailangan kong mawalisan.
Sa aking matagumpay na pagluhod, ay sya namang pagdungaw ko't pagdilat.
Isang may kadilimang tagpo ang nakita ko, pero di ko inaasahan ang sumunod na nakita ko
Isang B..................
--///////--
Isang baril ang nakita ko.
Agad kong kinuha iyon, at manghang mangha.
Para kong uhuging bata na tuwang-tuwa sa laruang binigay sa akin.
Sa gitna ng paglalaro ko, ay may kung anong malamig at garalgal na boses ang tila bumulong sa kaliwang tenga ko.
"Lumabas ka na. Baka makita ka nya."
Ilang segundo akong nanigas.
Mata ko lang ang gumagalaw na nililibot ang buong kwarto.
Wala pang limang segundo, nakarinig na ako ng mabigat na yabag ng paa at galit na boses ng isang lalaki.
Di ko na inalala pa ang maiiwan ko, dali dali akong lumabas at dinala ko ang baril kay kuya jose.
--///////--
Tinutok ko sa kanya ang baril.
"Kuya, pasensyahan nalang. Kelangan ko talagang gawin to."
Agad nyang binunot ang baril nya at tinutok din sa akin.
"Sige.. Iputok mo yan, ng sabay tayong mamatay"--kuya
"Jo--jowk lang kuya.. (Sabay baba ng baril) napulot ko to sa room#6, naiwan ata ng customer. Bigay mo nalang(sabay abot sa kanya)"
"Gago ka talaga. Magbiro ka pa ng ganyan, at talagang papatayin kita."--kuya
Iniwan ko sa kanya ang baril na tinanggalan nya ng bala, at nagdala ng walis sa 2nd floor.
Masyado kasing maalikabok ang hallway kaya kelangang mawalisan.
Mahaba ang oras na hihintayin ko para sa mga mag a-out na customer, kaya winalisan ko nadin pati ang hagdan, pababa ng 1st floor.
Habang palapit ng palapit sa baba, nakakarinig muli ako ng mga mahihinang bulungan.
Isang babae't lalaki na kung papakinggan mo e naglalampungan.
BINABASA MO ANG
Untold Horror Stories--2
HorrorNarito ang ilan pang kwento na tampok.. mga karanasang hindi nila inaasahan, ngunit naging parte ng kani-kanilang buhay.... kwentong katatakutang bubulabog sa inyong imahinasyon... Untold Horror Stories by: jhaysongOsme