Kabanata 4: NIGHTMARE (Part 2/3)

52 2 0
                                    

Untold Horror Stories--2

By: jhaysongOsme

Kabanata 4: NIGHTMARE (Part 2/3)

(FlashBack)

*BLAG*BLAG*BLAG*

Agad naming tinakbo ang pinto.

Kinalabog ngunit ayaw bumukas.

Kinuha ni ate nida ang kopya ng susi sa kusina, at agad na ipinasok iyon sa doorknob ng pinto.

*ENGGGKKKK*

*TINNNNGGG*

Binuksan namin agad ang pinto, pagkatapos ay ang ilaw ng kwarto.

"Ni--Nicka ???"-- ako

"Dyuskoo.. Huli na tayo..."--ate nida

Naratnan namin ang dalawa(jhae at wilsid) na mahimbing na nakahiga sa sahig, ngunit si nicka ay nakaupo sa gilid ng kama. Nakatalikod sa direksyon ng pinto at tumatawa.

"Hihihihihi--hahahahahaha"-- tawa nito na nagpapatindi ng tensyon na nararamdaman ko.

Nag-umpisa ng tumulo ang luha ko.

Habang papalapit ng papalapit sa aking kaibigan.

Mga ilang hakbang pa ay narating namin ang kabilang dulo ng kama.

Natatakot na lumapit sa kanya, sa pag-aakalang sasaktan kami ng kaluluwang sumapi sa kanya.

Hinawakan ko ang balikat nito, upang makuha ang kanyang simpatya.

Dahan-dahan itong lumingon at..

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH"

----end of FlashBack

(Grace's POV)

Nagulantang ang buo kong pagkatao ng makita si Nicka.

Namumula ang mukha nito, na para bang binalatan.

May kung ano pang parte doon na nakaylay at kitang-kita ang sariwa nitong laman.

Napabalikwas ako ng bigla nya kong hawakan sa kamay at nagwikang...............................

"Ang OA mo te. Nagpa-praktis lang ako para sa Spooky make up Contest sa Sabado. Ano bang sinisigaw-sigaw mo dyan ha ?"-- Nicka

Para akong tanga na ewan na bumalik sa reyalidad.

Oo nga no ? Isa nga palang make-up artist si Nicka, na paboritong gawing canvas ang mukha nya.

"E---e bakit ka kasi tumatawa ng ganon nicks ?? Para kang nakakatakot na ewan eee.."--Ako na di parin masyadong humuhupa ang takot

"Sira.. Nanonood ako ng Aldub o.. Tsaka di ako tumatawa.. Kinikilig ako no. Siraulong to."--nicka

Doon ay nagising at nagsipuntahan sina Klein at Keith sa kwarto.

Late Receiver tong dalawang to.

Tapos na ang intense factor, tsaka dumating.

Haysss..

Inalis na ni Nicka ang makeup sa kanyang mukha ng magpaalam itong gagamit muna ng banyo.

Lumabas ito ng may ngiti sa kanyang mukha.

"Ano na naman yang ngiti na yan nickalog ??"--Klein

"Oo nga nickanognog, may binabalak ka na naman no ?"--Keith

"Mga siraulo.. Mabuti pa at matulog na kayo, at baka makalimutan kong nandito ako sa bahay nyo. Hala sige't magsilayas kayo sa kwarto"-- utos ni Nicka sa magkambal

Untold Horror Stories--2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon