Kabanata 16: 66.6 Spooky FM ('Moymoy')

29 3 0
                                    


Untold Horror Stories--2

Kabanata 16: 66.6 Spooky FM ('Moymoy')

(Roniel's POV)

-

Ating pag-usapan ang mga bagay na di pangkaraniwan.

Mga bagay na sumukat sa iyong katatagan.

Katatagang, mapag hanggang sa ngayon ay di mo alam kung saan mo nakuha.

Buhayin ang mapaglarong isipan.

At dalhin ang sarili sa mundo ng kababaghan.

Ito ang.... 66.6 Spooky Fm.

--///////--

Isa akong DJ o Disk Jockey kung tawagin.

Ako si Roniel, 30 years old at anim na taon ng DJ dito sa pasay.

Noong bago palang ako sa trabaho, ay may mga kwento kwento na marami daw nagpapakitang kaluluwa sa ginagawang building ng aming istasyon.

Di ko iyon pinansin, dahil katulad sa iba kong pinasukan, ay inakala kong tinatakot lang nila ako.

9 pm to 2 am ang schedule ko.

Nung una, ay Love problems ang naka-assign sa akin, pero since na di ko daw forte iyon ay pinag-isip ako ng ibang genre na pwedeng i-ere.

"Spooky Story !"-- ang una kong naisip, kaya ine-recommend ko ito kay sir. Jhayson, Station manager ng pinagtatrabahuhan ko.

Nung una ay nag-alangan pa sya, di naman daw halloween kaya baka walang tumangkilik ng programa ko.

"E sir, para san pa ang Spooky Fm kung puro love at hugot problems lang ang tema ? I think the listener want to hear something that not in common. Wala din namang station ngayon ang may same program gaya ng naisip ko."--sagot ko sa kanya.

Matagal na nag-isip si Sir.

Hanggang sa mapa 'oo' sya.

"Osige, we will try it for a week. Pag di pumatok maybe we can change it into a request song program."--sagot nya

Pumayag ako.

Atleast kung di pumatok e may one week naman akong naging program.

Alas tres ng hapon, pumasok na ako.

Kailangan ko pa kasing mag post sa FB para sa upcoming program ko, mamayang alas nuwebe.

Dumating ako sa work ko, around 5.

Traffic kasi, dahil narin sa kalayuan ng bahay ko.

Pagkadating sa loob ng booth, ay nagdownload at nagremix ako ng background para mas intense ang kwentuhan mamaya.

--///////--

Ako lang mag-isa sa booth, puro kanta lang kasi ang program every 5-7 ng gabi.

Nakita kong dumaan sa labas si Leila.

Isa sa mga katrabaho ko.

Pinarinig ko ang ginawa kong background sounds.

Okey daw, at maayos ang pagkaka remix.

Lumabas na sya ng booth, at ako naman e nagpatuloy sa mga ginagawa.

Sinubukan kong magpractice.

Umupo ako at nagbitaw ng aking intro, sabay patugtog ng horror sound.

May tumawang Bata.

Naihagis ko ang headphone ko, dahil sa pagkabigla.

Di ko alam kung guni-guni ko lang, o sadyang may nagparamdam talaga.

Untold Horror Stories--2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon