Untold Horror Stories--2
By:jhaysongOsme
Hello there mga jogorats !
I'M BAAAACKKKK !!
(CapsLock para INTENSE)
Salamat muli sa mga nagbasa/ nagview.
Hahahaha. At dahil dyan ! Pinatutunayan nyong kayo ang pag-asa ng BAYERN. !
Hahaha.
Osha ! Alam kong hindi ito ang dahilan ko para muling mag-post. Dumako na tayo sa aking susunod na kwentong ILUSYON.
P.s: di ko na maitutuloy ang Abortion(U.H.S--1). Tinamad akong mag ulit, kaya new story tayo ! Hahaha.
Kabanata 5: Ilusyon
( Grace's POV)
Nakaranas na ba kayo na may nakikitang di pangkaraniwan ?
Yung tipong akala mo e totoo, yun pala ay guni-guni.
Namalikmata o gumagana lang talaga ang imahinasyon mo, kung kayat nagkakaroon ka ng tinatawag na ilusyon ?
Ako si Grace.
Labing anim na taong gulang, at aktibong miyembro ng singing group sa aming paaralan.
Isang magdadapit hapon sa buwan ng disyembre, ng magkaroon kami ng praktis.
Malapit na kasi ang contest na sasalihan namin.
Pagkatapos ng klase ko, ay bumili ako ng maiinom bago tuluyang magpunta sa singing o music room.
Ako lang ang bukod tanging kasali na nasa unang taon, kung kaya't ako lang ang tao tuwing alas kwatro.
Nasa klase pa kasi ang ilan, na makapupunta pasado alas singko na.
Umupo muna ako sa upuang nasa harap.
Iyon kasi ang pwesto ni ma'am tuwing magtuturo sya.
Isinaksak ko ang earphone ko sa aking cellphone, para magparty-party.
Nasa kalagitnaan na ako ng pakikinig, ng mapansin kong gumalaw ang upuan na nasa aking harapan.
Maayos ang pagkaka-ayos nun, kung kaya't ganoon na lamang ang nadama kong gulat at kaba ng makitang gumalaw ito.
Tumayo ako, upang ayusin ito.
Pagkatapos kong magawa iyon, ay muli akong bumalik sa kinauupuan ko.
"Anong ginagawa mo riyan sa upuan ko ?"--tinig ni ma'am, na tila nangagaling ang boses sa dulong bahagi ng pinto.
Akma ko na itong sasagutin at lilingunin, ng makitang nakasara ang pinto't, walang bakas o bahid ng kung anuman.
Malalaman kasing may taong papasok dito, dahil maingay pag binuksan ang naturang pinto.
Kinakabahan na ako sa aking nararanasan.
Pinili kong iligpit ang gamit at umalis.
Binuksan ko ang pintuan sa likuran ng kwarto.
"San ka pupunta Grace ? Magsisimula na tayo aa."-- si ma'am na nasa harapan na at kasama rin ang mga kagrupo ko.
Takang-taka ako kung bakit sila nakapasok ng di nakagagawa ng ingay.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon, dahil kailangan na naming mag-praktis.
Muli, ay ibinaba ko ang mga gamit ko at pumunta na sa aking pwesto.

BINABASA MO ANG
Untold Horror Stories--2
HorrorNarito ang ilan pang kwento na tampok.. mga karanasang hindi nila inaasahan, ngunit naging parte ng kani-kanilang buhay.... kwentong katatakutang bubulabog sa inyong imahinasyon... Untold Horror Stories by: jhaysongOsme