Kabanata 18: Lost Memories

23 2 0
                                    


Untold Horror Stories

By: jhaysongOsme

Kabanata 18: Lost Memories


Ako yung tipo ng taong di mahilig magpakuha ng litrato.

Alam mo yung ultimo cellphone ko, wala kang makikitang kahit ano.

I mean wala ni isang picture ko ang nakalagay sa gallery or whatsoever.

Pero..... Bakit nga ba wala?

Hahaha.. Kahit sarili ko di ko na maintindihan..... Di ko maalala kung bakit!

What if i-try ko kaya? Wala namang mawawala diba?

*CLICKKKK*

O kitams...

Di naman ako namatay diba ?

Wala namang masamang nangyari sa akin e.

Teka...

Wait.....

Bakit ganito ????

Sino sya????

Hala!!! May dumagdag pa!

Si---sino sila ?

Andami..... Andami nilaaaaaaaaaaa.

--///////--

(Jenrose's POV)

Para kong tanga na nagmumukmok sa loob ng closet na nasa kabilang kwarto na katabi lang ng silid ko. (Gets nyo ba? Hahaha)

Nakakatakot kasi yung kulog at kidlat. Feeling ko e direkta akong tatamaan anumang oras.

Hayssstt... Tag-ulan na naman kasi...Wala naman akong magawa ngayon.

Pag binuksan ko yung TV, puro kabaduyan naman ang palabas.

Pag DVD Player naman, frozen lang ang mapapanood ko dahil dinala ni tito yung mga cd's ko dahil may movie marathon daw sila--kasama ang hukbo ng sang-kabadingan.

At pag nagpakwento naman ako kay lola, kundi buhay pag-ibig nya e puro giyera ang bukang bibig.

Take note ha. Pwede ka ng kumain ng popcorn dahil colored na colored magkwento, with matching live actions pa.

Kaya etoooo...

Gumagawa nalang ako ng kwento.

Three hours na nga kong nag-iisip ng intro e.

Maganda na ba? Hahaha.

As if namang sasagot ka!

Sinusulat ko kasi ngayon yung self-experience ko.

BTW im Jenrose. 18 years old.

This story e fresh pang nangyari.

Actually kaya nga ko nakasiksik ngayon sa closet na to kasi nandun sila sa labas.

Naglalaro.

Nag-iingay.

Nagtatakbuhan.

Kanina kasi, pagkatapos kumain e akyat agad ako sa kwarto.

At syempre.... Dahil walang magawa e kinuha ko yung cellphone ko.

Naglalaro ako nun. Siguro almost an hour narin. Kaya nga lang nabagot ako. Puro nalang kasi subway surf ang pinagkaka-abalahan ko pag wala akong magawa.

Untold Horror Stories--2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon