Kabanata 12: WANTED YAYA (Part 1/2)

29 2 0
                                    

Untold Horror Stories--2

Kabanata 11: WANTED YAYA (Part 1/2)

(Yaya Maning's POV)

----------------------------

Urgent Hiring

WANTED YAYA

Bring your Resume

Blk 6 Lot 6 Phase 6, Creepy street, Bulacan

Please Look for Mr. JhaysongOsme

----------------------------

Isang papel na nakapaskil ang nabasa ko.

Sakto. ! Kailangan ko ng mapapasukan, para makapag ipon ng matrikula ni jose. Ang kaisa-isang anak ko.

Agad akong nagpagawa ng resume, nag pa picture at idinikit ito sa papel.

--////////--

"Pagtyagaan mo lang si Ace. Ganyan talaga ang batang yan, tahimik at mapaglaro, pero di naman sya nananakit wag lang sya atakihin ng stress. Basta, pag tumagal ka ng isang buwan tataas ang sahod mo. Bukas.. Bukas ay bumalik ka para mag-umpisa sa trabaho. Kung may gusto syang sabihin tungkol sa amin ng mama nya e paki banggit sa nalang po sa amin."-- isang magandang balita, na tinuran sa akin ng amo kong lalaki na si Sir. Diego

---

"Basta nay ha.. Kung nahihirapan ka na, umuwi ka agad.. Kung minamaltrato ka nila, tawagan mo lang ako at reresbakan ko sila"--alalang sabi ng anak ko

"Hahahaha.. Ikaw talaga anak.. Ayos lang ako. Mukha namang mabait sina Sir Diego at Ma'am Ema. Kaso yung batang si Ace, mukhang mahiyain. Di man lang ako pinansin... Pero sa tingin ko ay magkakasundo naman kami."--sagot ko.

Ilan pang paalala, at tuluyan na akong umalis.

Pwede naman akong umuwi araw-araw, basta magpapa-alam at di nataon na aalis din ang mag-asawa.

--///////--

Unang araw ng pagtatrabaho ko, ng mapansin kong parang ako lang ang yaya sa malaki at magarbong bahay na to.

"Hi manang maning.. Pasensya ka na ha ?? Nagsipag leave at resigned kasi ang iba naming katulong, kaya ikaw palang ang nandito. Hayaan mo... Malapit ng bumalik si yaya Yay, panigurado magkakasundo kayo nun."-- Ma'am Ema

"Okay lang naman po ako Ma'am.. Kaya ko naman po maglinis ng buong araw, tutal mukhang di naman ganoon ka alikabok nitong mga gamit nyo."--Ako

"Haynaku manang maning.. Ema nalang ang itawag mo sa akin, tutal para ko na kayong nanay.. Ampangit naman kung ma'am ang itatawag mo sa akin, parang ang yabang tignan. O sige manang... Paki gising nalang ni Diego, mga alas onse puyat kasi yun kagagawa ng mga documents."-- ema

--///////--

Agad kong ginising si Sir Diego.

Mag a-alas dyis na ng bumaba ito at umupo sa malaki at mahabang lamesa.

"O manang, sumabay ka na sa akin, naparami kasi tong luto mo. Tara, habang mainit pa"--Diego

"Sige lang po sir. Nakapag almusal na po ako kanina, mauna ka na po para makapasok ka na."--Ako

"Mananggggg... Diego nalang po. Hahaha.. Pakilinis nalang din nung kwarto ni Ace. Matagal na din kasi ng nalinisan yun e."--diego

Umakyat na ako papuntang kwarto ni Ace.

Untold Horror Stories--2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon