Bonus Story
By: JhaysongOsme
-------
Hi!! Whether you are a BulSUan or not.
-kaway kaway lang kay..
Gab Gab Cute Cute Mergildo
Bonus Story 2: Speech Lab
(Micheal's POV)
------
Hi guys.. Ako si Micheal. Isang graduated student from the BSU-sc sa kursong IT.
Year 2012-2013 ang Academic year kung saan ako kabilang.
Naaalala ko pa ang speech lab na syang madalas naming room noon.
Unang taon ko palang sa kolehiyo ng mangyari iyon.
ComArts(Communication Arts) ang subject namin.
Unang araw ng klase.
Walang nangyaring kakaiba, dahil nag-orientation lang naman kami.
Hanggang sa umabot na kami sa midterm.
Nagkaroon na kami ng hands on.
Noong mga panahong iyon, ay nasa maganda't maayos pa ang speechlab.
May pc, maayos na upuan at headset.
Para sa mga di nakaka-alam.
Parang table ng call center ang speechlab.
Dikit-dikit at may monitor na na bahagyang nakalitaw sa lamesa.
Nasa ika-anim akong upuan, napakalapit sa harapan.
"Okay baby, get the headset ang turn on the computer, we will be discussing our next topic"--maam (no need to mention..xD)
Pinindot ko ang power ng computer.
At binuksan ang lesson na nakalagay roon.
Nasa kalagitnaan na kami ng discussion ng may narinig ako.
Isang babaeng umiiyak.
Tinignan ko ang likuran ko, dahil baka kaklase ko iyon.
Napagalitan pa ako ni ma'am, ng makita nyang nakalingon ako sa likuran.
Di na ako umimik pa, bagkus ay ibinaling muli ang atensyon ko sa computer.
*IIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNGGGGGGGGGG*
Isang static sound ang narinig ko.
Palakas ng palakas.
*BLAG*
Tinanggal ko ang headset ko at nabitawan.
Ang sakit sa tenga na akala mo'y sasabog ang eardrums mo.
"Bakit pre ?"--tanong sa akin ni Gab
"Yung headset ko pre. Ansakit sa tenga ng tunog"-- sagot ko
"Ha ?? Parinig nga !"-- Gab, na kinuha ang headset at pinakinggan.
"Wala naman aa. Naku ka talaga Micheal. Makapal lang yang tutuli mo. Bumalik ka na nga, buti wala si ma'am kundi bubulyawan ka na naman nun."-- Gab
Muli kong isinuot ang headset.
Ngunit naririnig ko padin ang parehong tunog na narinig ko kanina.
Maya-maya pa'y umaalingawngaw ang iyak ng babae.
BINABASA MO ANG
Untold Horror Stories--2
HorrorNarito ang ilan pang kwento na tampok.. mga karanasang hindi nila inaasahan, ngunit naging parte ng kani-kanilang buhay.... kwentong katatakutang bubulabog sa inyong imahinasyon... Untold Horror Stories by: jhaysongOsme