Kabanata 6: Curfew

57 3 0
                                    


Untold Horror Stories--2

By: jhaysongOsme

Oha Oha..

May Bago ulit akong gawa !!

Puro kalokohan ang nakuha kong idea

Kay jograt jepjep !!

Kaway-kaway uli kay jograt Hazel.

Salamat sa pagbabasa ng Soulmate. ^^

--------

By the Way, wag ng magpaliguy-ligoy pa.

Eto na ................

Kabanata 6: Curfew (Part 1/2)

Curfew Hour 11:00 Pm - 4:00 Am

Age below 18 years old

Yan ang kadalasang makikita sa karatulang nagpapahayag na bawal lumabas ang kabataan.

Ngunit ang Curfew sa isang baranggay ay hindi literal na huhulihin, kung sakaling lalabag ka.

Kamatayan ang matatanggap ng sinumang bata ang lalabag.

Isang komunidad na nabalot ng sumpa ng mula isang matandang mangkukulam.

-----------------

(Matt's POV)

-----------------

Naaalala ko pa.

Malinaw na malinaw pa sa isipan ko ang pangyayari sa lugar ng aking kapanganakan..

Ang probinsya ng pangasinan.

Araw ng bakasyon.

Nagpasya ang buo naming pamilya na dalawin ang lolo't lola ko.

Only child lang kasi ako, kaya ubod ang saya ko ng marinig ang magandang balitang iyon.

Umalis kami ng bahay, mga alas dos ng madaling araw iyon. Nakarating sa probinsya saktong alas dyis ng umaga.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanila.

Mga ilang oras din kaming nagkwentuhan, at inilibot ako sa ilang malalapit na kamag-anak.

Natapos ang buong araw ng puro iyon lamang ang nangyari.

Hanggang sumapit ang gabi.

Gabi kung saan, literal na balot ng kadiliman ang buong lugar.

"Nababagot ka ba apo ?"--tinig ni lola

"Me--medyo po la. Nasanay kasi ako na lagi akong lumalabas sa amin e."--Ako

"Hahahaha.. Hayaan mo, bukas malaya kang lumabas, maglaro o mamasyal. Basta lagi mong tatandaan na hindi ka pwedeng abutin ng alas nwebe ng gabi ha."--Lola

"Alas nwebe ? Bakit po la ? Maaga po kayong natutulog ?"--Ako

"Hindi naman sa ganoon. Pero para maiwasan ang mga nangyayari sa labas tuwing sasapit ang gabi. Bawal na kasing lumabas ang mga bata ng alas nuwebe e. Huhulihin kayo ni Trinidad"--Lola

"Trinidad ?? Ang pangit naman ng pangalan na yun la. Sino po ba iyon ?"--Ako

"Si trinidad ay matandang babae. Nakatira sya sa dulong bahagi ng lupa natin. Nakikiupa kasi sya. Pero kahit ganoon, ay di na namin sya sinisingil. May pagka baliw kasi sya apo. Nakatatakot at akala moy isang asw---"--lola na naputol ang sinasabi nya ng may..

*AAAAAAAHHHHHHH*--isang sigaw ng bata ang umalingawngaw

"Aysus maryosep.. Hala sige at matulog ka na Matt. Wag kang magbubukas ng bintana aa."--Lola

Untold Horror Stories--2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon