Makikigaya lang ho ^^,
Pagpasensyahan nyo na XD
kaway-kaway sa natitirang nagbabasa.. XDXDXD
Untold Horror Stories--2
by:jhaysongOsme
Kabanata 17: SANTA
Umagang-umaga abala na ang lahat
May reunion daw kasi ngayong magaganap.
Nakita ko sina ate at kuya na tapos ng maggayak
Di maipinta ang itsura sa labis na pagka-galak.
Tumayo ako at agad na nagbihis
Baka maiwan pa ako dahil sa kilos nilang napakabilis.
Kinuha ko ang aking bag at isinilid ang gamit
Di nakalimutang isuot ang paborito kong damit.
Regalo pa ni lola na ngayo'y wala na
Ala-alang naiwan iniingatang talaga.
Anim na oras nagtiis, anim na oras nagsiksikan.
Hanggang marating ang lugar na nais nilang mapuntahan.
Agad silang lumabas, di alintana ang pagod
Parang mga batang nagtampisaw sa malawak na ilog.
Napansin kong masaya sila, kasama ang buong kapamilya.
Tila nalimutan na akong naghihintay sa kanila.
Umabot sa puntong binalak kong lumabas.
Ngunit mahigpit ang posas na ayaw makalas.
Di sila lumilingon, sumigaw man ng tulong
Tuloy ang hiyawan, at tugtog na dumadagungdong.
Tumulo ang luhang kanina pa'y nais ng kumawala
Di na matiis ang mala hayop nilang ginagawa.
Ako daw ay baliw, ako daw ay sinasaniban ng demonyo
Tama bang marinig ang katagang galing mismo sa pamilya mo ?
Sa gitna ng pagtanghoy, si santa ay nangalabit
Sya ay naririto, pasko may di pa sumasapit.
Tutulungan daw nya kong makatakas
Posas ay dali-daling binaklas.
Tumakbo papalabas, mga tao'y hinarabas

BINABASA MO ANG
Untold Horror Stories--2
HororNarito ang ilan pang kwento na tampok.. mga karanasang hindi nila inaasahan, ngunit naging parte ng kani-kanilang buhay.... kwentong katatakutang bubulabog sa inyong imahinasyon... Untold Horror Stories by: jhaysongOsme