Kabanata 7: Curfew (Part 2/2)

31 2 0
                                        



Untold Horror Stories--2

By: jhaysongOsme

Continuation...............

One click one vote.

^_______________^

Kabanata 7: CURFEW (Part 2/2)

(Matt's POV)

Nagising ako dahil sa ingay ng ilang malalaki at matitinis na boses.

Nakatali ako sa isang malaking puno na pinaliligiran ng mga aswang.

Halos bumaligtad ang itsura ko ng makitang may isang bangkay silang pinagpe-piyestahan.

Isang tila bolang kulay itim ang tinaga ng isang aswang, at dumanak doon ang mala taho nitong utak.

Si jericho.

Pinatay nila si Jericho.

Ang buong katawan nito, ay nagsilbing hapunan ng lahat ng aswang, ang utak ay parang sabaw na sinisipsip ng ilan.

Bilog na bilog ang buwan, kaalinsabay ng tuluyang pagbabago ng anyo ni esperanza.

Inutusan nya ang kanyang kampon na pakawalan ako't ilagay sa harap, kung nasaan makikita ang isang baul at karet.

"Makinig kayo... Ngayong ganap na ang aking pagbabagong anyo, kayo naman ang palalakasin ko.. Gamit ang binasbasang dugo ng batang ito, ay mananatili na kayo sa pagiging aswang. Umaga, tanghali lalo na sa gabi, ay malaya kayong kumain ng sangkaterbang tao. Hahahahahahaha"

--///////--

Nagsimula na silang igapos ako't isahod ang leeg sa isang baul.

Nagdasal at itinaas ang karet.

"Ngayon... Ikaw ang bubuo sa bilang ng mga batang magbibigay sa amin ng lakas.. Ang muling pagkabuo ng kumunidad ng mga aswang.. Hihihihihihi"--bulong sa akin ni esperanza

Tanging pagsigaw, at pagungol ang ginawa ko habang ginigilitan ako ng leeg.

Damang-dama ko ang pagdampi ng talas ng karet na humihiwa sa laman ko.

Nagsimula ng tumulo ang aking dugo, tungo sa baul na iyon.

Hiyawan, tawanan ang maririnig mula sa grupo ng mga aswang, hanggang sa....

--///////--

(Aling Trinidad's POV)

Di ko na kayang magtago at habambuhay na magdusa sa kamay ng aking guro.

Ngayon..

Ngayong gabi ang tinakdang bilang ng mga batang dapat mamatay..

Ang dalawang matapang na batang iyon, ay kukumpleto sa bilang ng mga ito.

Lumabas ako ng aking lungga, dala-dala ang mga bagay na makapag papahina sa kanila.

Paalis na ko ng makalimutan kong kunin ang pinakamabisa kong sandata.

Ang bibliya.

Takot sila sa mga salita ng dyos.

Takot silang makita ang bibliya.

--///////--

Dumating ako roon, na akma ng ginigilitan si Matt.

Kaawa-awang bata.

Di nya akalaing sa kanyang pagpunta rito, ay sariling lolo't lola pa ang magpapahamak sa kanya.

Ang lolo't lola nyang di makontrol ang sarili dahil nakapaloob sa sumpa ng isang aswang na mangkukulam.

Untold Horror Stories--2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon