Kabanata 10: ROOM #7 (Part 1/2)

33 1 0
                                    


Untold Horror Stories--2

By: jhaysongOsme

Wattssssuuppp ??

Kaway kaway lang sa mga miyembro ng jogorats.

Tropang Hubog at mga tab'i.

Credits to johnrey.

--///////--

Abandunado.

Isang kwartong may bumabalot na kababalaghan.

Kwartong pinapakitaan ng isang kaluluwang ligaw.

Kaluluwang mapag-hanggang sa ngayon ay di pa natatahimik.

Isang umaalingawngaw na katahimikan ang mapaparam ng pasukin ang kwartong di pinapagamit kaninoman.

Kabanata 9: ROOM #7 (Part 1/2)

(Johnrey's POV)

"Sige. Hired ka na !"

Isang napakagandang pagbungad ang bumulaga sa akin ng ipatawag ako ni ma'am janice, may-ari ng maliit na motel dito sa amin.

Ako si johnrey. Isang roomboy dito sa TripToHeaven Motel.

Ito ang una kong trabaho, kaya naman e ganoon ang kasiyahan ko.

Unang araw ng trabaho ko, alas dyis ng umaga.

Nasa guard house lang ako, kinakausap ang security guard na si kuya jose para malaman ang transaksyon sa loob ng motel.

Mahabang kwentuhan ang nangyari, pero wala paring customer ang pumupunta.

Matatapos na ang shift ko ng may humabol na customer.

Bandang alas syete ng magtanong ito kung may bakante daw bang kwarto.

"Opo. Room #3. Eto po ang susi."--sagot ko sa kanya ng may malapad na ngiti.

Dalawa lang ang tauhan sa umaga.

Ako at ang kasamahan kong si Anel, na noon ay tulog na tulog habang umaagos pa ang malapot na laway sa bibig nito.

Kinuha ko ang bayad ng lalaki, at agad na inilagay iyon sa isang kahon kung saan naroroon ang kita ng motel.

--///////--

*toktoktok*

"Sir... Eto na po yung order nyo"--sabi ko kay kuya na naka topless na.

Ready to fight na ata si kuya.

Hahahaha..

Dinalhan ko sila ng pagkain.

Isang mainit na sinigang, kare-kare at menudo na may isang bandehadong kanin at pinatneran pa ng buko juice.

"O eto."--sabay abot ng isang daan.

"Para san sir ? May i-uutos po ba kayo ?"-- tanong ko dahil sa pagtataka

"Tip ko yan sayo iho. O sya't kakain na kami. Salamat uli."-- sabi nya sabay sara ng pinto.

Ako ang Roomboy, Kusinero't Cashier sa Motel.

Multi purpose ika nga.

Tipid na tipid sa trabahador si ma'am Janice na walang ginawa kundi magkulong sa kwarto nya.

-----------

"Rey.. Pakilinis yung kwartong ginamit nung kadadating lang ha. Ilagay mo yung marurumi dun sa kusina. May malaking batya dun, pakipatong nalang."--ma'am Janice

Untold Horror Stories--2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon