Kabanata 8: Suitor

45 3 0
                                    


Untold Horror Stories--2

By: jhaysongOsme

May true love ba ??

May destiny nga kaya ??

Totoo ba ang soulmate ??

Naranasan mo na bang maglaro ng FLAMES ??

Ilan lang yan sa mga katagang alam natin tuwing pag-uusapan ang mundo ng pag-ibig.

Ngunit, paano ba babaguhin ng salitang PAGMAMAHAL ang buhay ng dalawang tao na tampok sa istoryang ito.

Ating tunghayan ang kwentong pinamagatang....

Kabanata 8: SUITOR

(Karen's POV)

Masarap ba magmahal ??

Masarap bang mahalin ??

Yan ang ilang katagang sinasambit ko, sa tuwing pakiramdam ko ay ako na ang pinaka malas na tao sa mundo.

Oo. Isa akong bigo sa pag-ibig..... Sa pagmamahal.

Minsan nga pati ang sarili ko, ay tinatamad na akong mahalin.

Hayyyss.. Ewan. Baka malas lang talaga ako.

Baka....... Tanga ako, kaya ako iniiwan ng mga lalaking minamahal ko ng lubos.

--///////--

Pero sabi nga nila

Save the best for last

Nagbago ang pananaw ko sa pag-ibig ng makilala ko sya..

Si Stephen.

Sya ang taong nagparamdam sa akin, na kahit di pa kami magkarelasyon, ay karapat-dapat na akong mahalin at pahalagahan.

--///////--

"LAYASSSSS !! MAGSILAYAS KAYONG MAG-IINA DITO !! MGA WALANG KWENTA !! WAG NA WAG NA KAYONG MAGPAPAKITA DITO.. LAYAAAASSSS !!"-- bulyaw ni aling Brenda, kahera ng inuupahan naming boarding house

Ito na ang ikalimang paupahan na pinaalis kami, dahil sa di kami makapag bayad ng renta.

"Ikaw naman kasi Buboy e. Kung naghanap ka sana ng trabaho, edi sana may pambayad tayo kay aling brenda. Ewan ko ba sa inyong magkakapatid, kung bakit napaka batugan nyo !"--nanay

"Nay naman... Kakatapos ko lang magkasakit no. Anong gusto nyo ? Ipagpatuloy ko pa ang pagbabalot ng pulboron, kahit na inaatake ako ng husto ng asthma ?? Nag-iisip ka ba nay ?? Dapat kasi si Karen ang pinagtrabaho nyo, dapat kasi pina asawa nyo na yun kay Mang kardo. Kahit na matanda basta may pera !"--kuya buboy

"Ako na naman ?? Kailangan ba ako ang magbabayad ng mga utang nyo ?? Di na kayo naawa.. Halos ilang taon din ako nagpaka alila sa pagiging katulong, pero di nyo man lang ako nagawang pasalamatan.. Mga manhid ba kayo ? Mga walang utang na loob. Oo.. Kayo ang nagpalaki sa akin, at marahil wala ako sa posisyon para sabihin ito.

Pero sobra na..

Sobra na kayo !!

Di ko na kayang tiisin yang sinasabi nyo."--pagsagot ko sa kanila

"Tara na nga Buboy. Elsa, kargahin mo yang si tonio. At maghahanap tayo ng mauupahan na kasya tayong apat."-- nanay

--///////--

Muli ay tumulo ang luha sa mga mata ko.

Bakit ba ganito ?? Wala silang mga konsiderasyon.

Di lang sinunod ang gusto, e nagawa nalang nila akong kalimutan.

Untold Horror Stories--2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon