Kabanata 9: NIGHTMARE (Part 3/3)

40 2 0
                                        

Untold Horror Stories--2

Kabanata 5: NIGHTMARE (Part 3/3)

Continuation...

Please do read my stories. XD

--When a soul makes you in love ! (Soul mate) *onhold*

--Phantom Killer *semi-onhold*

-Untold Horror Stories

-Untold Horror Stories--2

Shout out kay Ate Grace.

Salamat sa pagbabasa ^^,

------------

(Hazel's POV)

Unti-unti syang lumapit sa akin, na nanalalaki ang mga mata.

"Hazel.."--muli nyang pagtawag sa pangalan ko.

"Be--Betty... Maawa ka... Wag mo kong patayin.. Maawa kaaa..."-- mangiyak ngiyak kong tugon.

"Betty ? Hazel.. Ako to... Di mo na ba ko naalala ?"--ani to.

Bahagyang napawi ang aking luha sa kanyang sinabi.

Muli, ay tinignan ko ang mukha nya, na maliwanag na dahil sa liwanag ng ilaw na galing sa bukas na pinto ng banyo.

Matagal ang nangyaring titigan.

Mga ilang minuto ng maalala ko ang isang bagay na tila nanggagaling sa kaibuturan ng aking pagkatao.

"Hanzel ??"--ako

--Flashback--

Bata pa kami noon ni hanzel, ng mahiwalay kami ng kambal ko sa isa't isa.

Pinadala sya sa isang kamag-anak na nakatira sa Surigao, at ako naman ay naiwan kay papa.

Sa pagkakatanda ko ay nasa edad lima lang ako noon.

Tanging iyon lang ang naaalala ko.

--///////--

(Hanzel's POV)

Umuwi ako dito sa Bulacan, matapos akong makapagtapos ng hayskul.

Mas maganda kasi ang mga state university dito kesa sa probinsya.

Naging maayos naman ang buhay ko kina mama at papa. Sila ay sina tito fred at tita Leila na tinuring akong isang tunay na anak, matapos mamatay dahil sa cancer ang kanilang unica hija.

Sa aking pagtatanong-tanong, ay napag-alaman kong dito ka daw sa area na to nakatira.

Malayo man tayo sa isa't isa ay di iyon naging dahilan upang kalimutan kita.

Ikaw at ako ay magkaugnay.

Ikaw at ako ay sabay lumaki at tila magkadugtong ang puso ng bawat isa.

Lalo pang nakatulong ang paghahanap ko sayo, ng maikwento ni Apol na may nakasalubong daw sya na inakala nyang ako.

Dagdag pa ng makita kita sa isang subdivision, na nakaupo sa veranda habang nag me-make up.

Sinubukan kitang sitsitan, pero parang natatakot ka lang.

Umalis ako noon dahil kailangan ko ng pumasok sa trabaho.

At kanina lang.

Balak ko sanang sorpresahin ang boyfriend ko, ng makita kong ikaw ang kasama nya.

Eto nga at dala ko na ang kutsilyong pang slice ng aniversarry Cake namin oh..

Hahaha.. Talagang pinagtatagpo tayo ng tadhana hazel.

Untold Horror Stories--2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon